15/03/2026
Totoo ba? Myths vs. Facts tungkol sa Rabies
Rabies: Hindi ito biro. Alamin ang katotohanan.
❌ MYTH 1:
“Hindi naman ako nakagat, nadilaan lang. Safe na siguro ako.”
✅ FACT:
Hindi totoo. Ang laway ng hayop na may rabies ay pwedeng puma*ok sa katawan sa pamamagitan ng bukas na sugat, gasgas, o mucous membranes (mata, bibig, ilong). Dila, gasgas, o kagat — lahat yan pwedeng magdulot ng rabies.
❌ MYTH 2:
“Maliit lang naman ang sugat. Hindi na siguro kailangan ng bakuna.”
✅ FACT:
Kahit gaano kaliit ang sugat, basta galing sa hayop na posibleng may rabies — kailangan pa rin ng bakuna. Mas mabuti ang sigurado kaysa magsisi.
❌ MYTH 3:
“Kapag hindi nangangagat ang hayop, wala siyang rabies.”
✅ FACT:
Hindi lahat ng hayop na may rabies ay agresibo. Iba sa kanila ay tahimik lang pero infected na pala. Hindi dapat basehan ang ugali ng hayop sa pag-assess ng rabies risk.
❌ MYTH 4:
“Kapag 3 araw na at wala pa akong nararamdaman, ligtas na ako.”
✅ FACT:
Ang sintomas ng rabies sa tao ay maaaring lumabas sa loob ng ilang linggo hanggang buwan. Kapag lumabas na ang sintomas, wala nang lunas.
❌ MYTH 5:
“May gamot naman ang rabies pag tinamaan.”
✅ FACT:
Walang lunas ang rabies kapag nagkaroon na ng sintomas. Kaya napakahalaga ng agarang bakuna pagkatapos makagat, magasgas, o madilaan.
💉 Proteksyon ay Nasa Bakuna!
Kapag nakagat, nadilaan, o magasgasan ng hayop —
👉 Hugasan agad ng sabon at dumaloy na tubig
👉 Pumunta agad sa animal bite center
👉 Magpabakuna ng anti-rabies vaccine
👉 Sundin ang buong schedule
📍Visit us at : MOMS ANIMAL BITE CLINIC IBAAN BATANGAS