08/08/2024
FREE EYE SCREENING from August 8 - 31, 2024!
Protect your eyes by wearing prescription anti-radation lenses
Visit your Optometrist Dr. Dom at Balan Optical Mercado St., Poblacion Iligan city!
ALAGAAN ANG IYONG MGA MATA!
Mahalagang parte ng ating kalusugan ang ating mga mata. Maraming mga bagay ang magagawa ng maayos kapag malinaw at walang problema sa iyong paningin o mata. Ito ang ilang mga paalala mula sa Baguio General Hospital and Medical Center:
1. Regular na magpakonsulta at magkaroon ng komprehensibong dilated eye exam.
2. Panatilihing nasa normal ang iyong blood sugar levels (lalo na sa mga may diabetes).
3. Alamin ang eye health history ng iyong pamilya.
4. Panatilihin ang tamang timbang sapagkat ang pagiging overweight at obese ay banta sa pagkakaroon ng mga sakit na maaaring makaapekto sa iyong paningin o mata.
5. Gumamit ng proteksyon sa mata kung may sport o may ginagawa sa labas na maaaring matamaan ang mga mata.
6. Itigil ang paninigarilyo o huwag na itong subukan.
7. Gumamit ng shades bilang proteksyon sa ultraviolet rays ng araw.
8. Ipahinga ang iyong mga mata gamit ang 20-20-20 rule: kada 20 minuto, tumingin sa malayo (20 feet) ng 20 segundo. Iniiwasan nito ang pagkapagod ng mga mata.
9. Ugaliing maghugas ng mga kamay bago hawakan ang mga mata o contact lenses (kung gumagamit nito)
For more information on saving eyesight, please visit the link below:
https://www.cdc.gov/visionhealth/risk/tips.htm