26/03/2026
𝗬𝗲𝘀! 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗰𝗮𝗻 #𝗘𝗡𝗗𝗧𝗕!
Tuwing Marso 24 ay ginugunita ang World TB Day upang palakasin ang kamalayan laban sa tuberculosis o TB, isang nakakahawang sakit na karaniwang nakakaapekto sa baga. Ayon sa World Health Organization, ang TB ay nananatiling isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay mula sa nakakahawang sakit, ngunit ito ay nagagamot at maaaring maiwasan sa pamamagitan ng maagap na pagsusuri at tamang gamutan.
Kung may ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa, magpasuri agad sa pinakamalapit na health center sa pamamagitan ng X ray o sputum test. May libreng gamutan para sa TB at mahalagang tapusin ang buong paggamot. Para sa mga kasambahay ng pasyente, maaaring irekomenda ang TB preventive treatment ayon sa payo ng doktor upang maiwasan ang pagkakasakit.
Kung may ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa, magpasuri agad sa pinakamalapit na health center sa pamamagitan ng X-ray o sputum test. May libreng gamutan para sa TB at mahalagang tapusin ang buong paggamot. Para sa mga kasambahay ng pasyente, maaaring irekomenda ang TB preventive treatment ayon sa payo ng doktor upang maiwasan ang pagkakasakit.