03/08/2024
π¨.π§.π ππ π£πππ¦π¬π’π‘ π¦π πππ
Ang impeksyon sa ihi o UTI (Ingles/Medikal:
Urinary Tract Infection) ay isa sa pinakakaraniwang sakit lalo na sa mga kababaihan. Dahil mas maikli ang daluyan ng ihi ng babae, mas mabilis makapasok ang mga mikrobyo para magdulot ng impeksyon sa pantog o bladder at sa daluyan ng ihi o urethra. Pero ang UTI ay maaaring mangyari sa babae o lalaki.
Ano ang sanhi ng UTI o impeksyon sa ihi?
Ang sanhi ng UTI ay ang mga bacteria na nakapasok sa daluyan ng ihi. Itoβy maaaring mangyari kung hindi malinis ang bahagi ng katawan, o dahil sa pakikipagtalik o s*x. Subalit kailangang idiin natin na kung ang isang babae ay nagkaroon ng UTI, hindi nangangahulugang nakipagtalik sya sa lalaki. Isa lamang ito sa maaaring dahilan.
Ano ang mga sintomas ng UTI o impeksyon sa ihi?
Makirot na pag-ihi (Dysuria)
Balisawsaw
Mabaho at hindi malinaw na ihi
Pananakit sa pantog
Panakakit sa tagiliran
Lagnat
Paano malalaman kung may UTI?
Ang UTI ay maaaring gamutin base lamang sa pagkwento ng pasyente, ngunit kadalasan, gingagawa ang eksaminasyon na urinalysis upang matiyak kung mayroong UTI. Sa urinalysis, sinusuri ang ihi kung may mga mikrbyo, nana, o dugo, at iba pang bagay na maaaring magpakita na may impeksyong nagagaganap.
Anong gamot sa UTI?
Antibiotiko ang pangunahing gamot sa UTI, ngunit ang pagpili ng antibiotiko sa UTI ay hindi simpleng bagay. Ibang klase ang mga mikrobyong na nagdudulot ng impeksyon sa ihi, kaya hindi pwedeng basta basta magbigay ng gamot gaya ng Amoxicillin. Mas mabuti kung magpatingin sa doktor at itanong kung anong antibiotiko ang angkop kung ikaw ay may UTI.
Bukod sa gamot, mahagala ring uminom ng maraming tubig upang mas mabilis masupil ang impeksyon. Iwasan ang kape, alak, at maaanghang na pagkain, sapagkat ang mga ito ay maaaring maka-irita sa pantog.
Kung ikaw ay may ibang sakit, gaya ng sakit sa bato, o umiinom ng ibang gamot, mahalagang banggitin ito sa doktor para makapili siya ng mas angkop na gamot. Depende sa iyong kalusugan, maaari ring magbago ang haba ng gamutan, mula tatlo hanggang 14 na araw.
Paano makaiwas sa UTI?
Panatilihing malinis ang katawan upang makaiwas sa UTI. Maligo araw-araw at huwag kaligtaang linisan ng sabon ang puerta o ari. Kapag maghuhugas ng puwitan, ang direksyon ay dapat papalayo sa puerta o daluyan ng ihi. Regular na magpalit ng underwear. Uminom parati ng tubig.
Ang pakikipagtalik sa ibaβt ibang partner ay maaari ring mag-sanhi ng UTI, pati naring mga STD o s*xually transmitted diseases. Iwasan ang ganitong mga gawain, o di kayaβy gumamit ng condom para makabawas sa probabilidad na magkakaroon ng impeksyon. Umuhi pagkatapos makipagtalik β may mga pag-aaral na nagsasabing itoβy nakakatulong as pag-iwas sa uti.
URINARY TRACT INFECTION: Urinary Tract Infection o Impeksyon sa Pag-Ihi VIEW MEDICINES
ANO ANG URINARY TRACT INFECTION?
Ang normal na ihi o urine ay walang bacteria ngunit hindi maiiwasan na may mga nakakapasok na mikrobyo sa loob ng katawan na nagdudulot ng urinary tract infection o UTI. Maaari nitong maapektuhan ang ibaβt-ibang bahagi ng urinary system katulad ng impeksyon sa bato, impeksyon sa pantog at impeksyon sa daluyan ng ihi (ureter at urethra).
Ang UTI ay kadalasang nagmumula sa bacteria na Escherichia coli (E. coli), na nakakapasok sa pantog o bladder at sa urethra. Kumpara sa mga lalaki, ang mga babae ang kadalasang nagkakaroon ng UTI dahil mas malapit ang urethra ng mga babae sa kanilang puwit kung saan nanggagaling ang E. coli na normal na natatagpuan sa dumi ng tao.
MGA SINTOMAS NG URINARY TRACT INFECTION
Mararanasan ang mga sumusunod kapag may UTI:
Masakit na pag-ihi
Mas madalas na pag-ihi
Dugo o nana sa ihi
Mas mapanghing ihi
Pagmamadali sa pag-ihi
Kaunting paglabas ng ihi
Masakit na pakikipagtalik
Pagsakit ng puson
Pagkahilo at pagsusuka
Panghihina ng katawan
Lagnat
MGA SANHI NG URINARY TRACT INFECTION
Bacteria, partikular ang E. coli, ang karaniwang dahilan ng UTI. Ito rin ay maaaring magmula sa mga sumusunod:
Iba pang uri ng bacteria, tulad ng Staphylococcus at Chlamydia
Madalas na pakikipagtalik
Pakikipagtalik sa ibaβt ibang tao
Hindi makontrol na pag-ihi o urinary incontinence
Pagbubuntis
Diabetes
Paggamit ng birth control pills
Tumor sa urinary tract
PAANO MATUTUKLASAN KUNG IKAW AY MAY URINARY TRACT INFECTION?
Maaaring malaman na ikaw ay mayroong UTI sa pamamagitan ng urinalysis o pagsuri ng ihi. Ang bilang ng white blood cells at red blood cells ang makapagsasaad ng impeksyon sa ihi Kumukuha rin ng urine culture upang matuklasan kung anong uri ng bacteria ang nagdudulot ng impeksyon.
Maliban sa urinalysis at urine culture, maaari ring sumailalim sa blood test, ultrasound test, X-ray, CT scan o cystoscopy upang malaman ang mismong sanhi ng karamdaman.
MGA GAMOT AT LUNAS SA URINARY TRACT INFECTION
PAANO MAIIWASAN ANG URINARY TRACT INFECTION?
Ang UTI ay kadalasang mabilis gamutin pero madali rin itong manumbalik lalo na kung hindi ito napagtutuunan ng pansin. Sundan ang mga sumusunod upang makaiwas dito:
Pagkain at Nutrisyon
Uminom ng 6 hanggang 8 basong tubing araw-araw. Makatutulong ito sa normal na dalas ng pag-ihi.
Kumain ng mga prutas at gulay na mataas sa antioxidant (tulad ng ubas, kamatis at kalabasa) at mga pagkaing mataas sa fiber (tulad ng beans, cereals, at wheat).
Pag-Ihi at Paghugas
Ugaliing linisin nang maigi at maayos ang ge***al area, lalo na sa mga babae. Ang tamang pagpunas ay mula sa harap papunta sa ilalim. Importante ito lalo na pagkatapos dumumi upang maiwasan mapunta ang bacteria sa urethra.
Ugaliing umihi bago at pagkatapos ng pakikipagtalik upang matanggal ang mga bacteria na posibleng pumasok sa urethra.
Dalasan ang pagpalit ng napkin tuwing may buwanang dalaw.
Iwasan ang paggamit ng mga matatapang na feminine wash.
Birth Control
Sa mga babaeng gumagamit ng diaphragm kumonsulta sa doktor upang malaman kung magdudulot ito ng impeksyon.
Iwasan ang paggamit ng spermicidal condom.
Ang greenbarley ay malaki ang naitutulong upang maiwasan ang pgkakaroon ng uti.
Subukan at ng mpatunayan.
Follow for more:
VANESSA CALAPANO
Globe/WhatsApp: 09178267525
Viber: 09985593914
Online Shops
Shopee/Lazada Shops : HealthWealthGreenBarleybyVan
Tiktok Shop: GreenBarleyVanCalapano
YouTube:
Tiktok: vancalapanoofficial