04/10/2025
🎉 CLINIC ADVISORY – FIESTA DEL PILAR 2025 🎉
Heads up, Imuseños! 🚦 This Sunday, October 5, 2025, the Karakol ng Bayan Luma will roll out at 11:30 AM, bringing joy, music, and… yes, traffic 😅.
Affected roads include:
👉 Aguinaldo Highway (Plaridel Subd. – Patindig Araw Rd.)
👉 Patindig Araw Road (up to Tulay Julian)
👉 Gen. F. Yengco St.
👉 Amparo/Guada
👉 Plaridel Subdivision
⏰ Clinic Hours:
We’re OPEN at 8:00 AM sharp!
If you have an appointment, we suggest coming earlier to beat the Karakol traffic.
Salamat po sa inyong pang-unawa, and Happy Fiesta del Pilar! 🙏💙
𝐓𝐑𝐀𝐅𝐅𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: Karakol 2025 ng Sambayanan ng Mahal na Birhen del Pilar - Bayan Luma sa Oktubre 5
Ang inyong boses ay pinahahalagahan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus. Dahil sa inyong ipinahayag na mga saloobin, narito na ang bagong ruta ng gaganaping Karakol sa Bayan Luma ngayong Linggo, Oktubure 5, 2025, na magsisimula sa ganap na 11:30 A.M.
Apektado rito ang:
📍 Bahagi ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway mula Plaridel Subdivision hanggang Patindig Araw Road
📍 Bahagi ng Patindig Araw Road mula 7-Eleven hanggang bago dumating sa Tulay Julian
📍 Bahagi ng Gen. F. Yengco St. mula Patindig Araw hanggang Gen. E. Topacio St. (Bantayan)
📍 Bahagi ng Amparo/Guada mula Our Lady of the Pillar Chapel Bayan Luma
📍 Plaridel Subdivision
Narito naman ang ruta ng Karakol na magsisimula sa Our Lady of the Pillar Chapel Bayan Luma:
⤴ Kaliwa sa Gen. F. Yengco St.
⤴ Kaliwa sa Plaridel Subd.
⤵ Kanan sa Aguinaldo Highway
⤵ Kanan sa Patindig Araw Road
↪️ U-turn bago dumating sa Tulay Julian
⤴ Kaliwa sa Gen. F. Yengco St.
↪️ U-turn bago dumating sa Gen. E. Topacio St. (Bantayan)
⤴ Kaliwa sa Amparo/Guada pabalik sa Our Lady of the Pillar Chapel Bayan Luma
Inaabisuhan ang lahat na umiwas sa mga nabanggit na kalsada bago magsimula ang Karakol hanggang sa ito’y matapos.
Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.