10/10/2024
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Opisyal nang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang City of Imus Diagnostic Laboratory (CIDL) nitong Lunes, Oktubre 7, 2024, sa pangunguna ni City Mayor Alex โAAโ L. Advincula.
Ayon sa alkalde, layunin nitong mabigyan ang mga Imuseรฑo ng abot-kayang halaga ng laboratory tests upang mas mabigyan sila ng karampatang atensyong medikal.
Itinuturing itong kauna-unahang free-standing government-owned tertiary laboratory sa CALABARZON dahil na rin sa microbiology section nito.
Mapakikinabangan dito ang hematology, clinical chemistry, clinical microscopy, immunology at serology, molecular pathology, at drug screening.
Para sa mga nais magpa-laboratory testing, maaaring magparehistro sa PhilHealth Konsulta Package.
Maghanda rin ng valid government ID, PhilHealth ID, Laboratory Request Form na manggagaling sa Konsulta provider, at Electronic Konsulta Availment Slip (eKAS).
Matatagpuan ang CIDL sa Pedro Reyes St., Malagasang 1-G, katabi ng Ospital ng Imus. Bukas ito tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 a.m. hanggang 5:00 p.m., at tuwing Sabado mula 7:00 a.m. hanggang 1:00 p.m.
Maaari ding magpunta sa City Health Office 1 (Velarde), 2 (Plaridel), 3 (Greengate), at 4 (Maharlika) para magpakuha ng sample specimen. Ang limang bagong motor na binasbasan sa parehong araw ang magdadala ng mga specimen sa CIDL.