23/11/2025
‼️ SA BAWAT SIGARILYONG HINIHITHIT, KALUSUGAN NG BAGA ANG KAPALIT ‼️
Ang paninigarilyo ay ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD ng 7 sa bawat 10 pasyente.
Ang COPD ay isang sakit na nagdudulot ng pagbara sa daluyan ng hangin. Ang pagkakaroon ng COPD ay nagpapataas ng tsansa na magkaroon ng kanser sa baga, sakit sa puso at iba pa.
✅ Tumawag sa DOH Quitline 1558 para matulungan kang itigil ang paninigarilyo and pagvavape.
✅ Kumonsulta sa pinakamalapit na Smoking Cessation Counselling Clinic sa inyong lugar
'Wag magyosi! 'Wag magvape!
Source: World Health Organization