06/11/2025
Maraming nalilito sa pagitan ng Transient Ischemic Attack (TIA) at stroke, lalo na’t pareho silang may mga parehong sintomas. Pero may malinaw na pagkakaiba sila:
𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗶𝗲𝗻𝘁 𝗜𝘀𝗰𝗵𝗲𝗺𝗶𝗰 𝗔𝘁𝘁𝗮𝗰𝗸, 𝗧𝗜𝗔, “𝗺𝗶𝗹𝗱 𝘀𝘁𝗿𝗼𝗸𝗲”, 𝗼 𝗺𝗶𝗻𝗶-𝘀𝘁𝗿𝗼𝗸𝗲...
Nangyayari kapag pansamantalang nabara ang daloy ng dugo sa utak.
Dahil pansamantala lang, bumabalik sa normal ang daloy ng dugo bago magkaroon ng permanenteng pinsala.
Karaniwang tumatagal ng ilang minuto hanggang isang oras, at kadalasan, nawawala ang mga sintomas sa loob ng 24 oras.
Walang permanenteng pinsala sa utak, pero malaking babala ito na maaaring magkaroon ng totoong stroke kung hindi maagapan.
𝗦𝘁𝗿𝗼𝗸𝗲, 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗯𝗿𝗼𝘃𝗮𝘀𝗰𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗔𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗼 𝗖𝗩𝗔
Nangyayari kapag matagal na nabara o pumutok ang ugat sa utak, kaya napuputol ang suplay ng dugo sa isang bahagi nito.
Dahil dito, namamatay ang mga brain cells, kaya nagkakaroon ng permanenteng pinsala.
Maaaring magdulot ito ng paralysis, panghihina o pamamanhid sa kalahating bahagi ng katawan, hirap magsalita, malabong paningin, o kawalan ng balanse.
Kadalasan, nangangailangan ng matagal na gamutan at rehabilitasyon tulad ng physical at speech therapy.
💡 ALALAHANIN:
TIA → Temporary warning sign
Stroke → Totoong emergency
Kung may makitaan ng sintomas ng stroke — kahit mawala pa ito pagkatapos ng ilang minuto — agad na magpatingin sa doktor o pumunta sa ospital.
Ang maagang aksyon ang pinak**ahalagang hakbang para maiwasan ang mas malubhang stroke.