24/01/2026
👇🏻
To all watchers out there. I know you care so much for your patient and we appreciate that. But please stop pressuring healthcare workers na dapat isang tusok lang. Hindi yan magic trick at hindi rin yan hula. It will always depend sa ugat ng pasyente, sa hydration status, sa age, sa condition, at minsan pati sa cooperation ng mismong pasyente. Mahirap kumuha ng dugo kung manipis ang ugat, mahina ang BF, nagreretract, or nagro-roll. Hindi yan nakita mo lang sa YouTube na madali kaya ganun din sa lahat. Reality is different.
Ang healthcare worker na humahawak ng pasyente ay hindi nagtsi-champion sa tusok contest. Lahat kami gusto rin namin isang tusok lang kasi kahit kami naiinis maghanap ng ugat. Hindi kami sadista, hindi kami enjoy sa pasakit, at hindi kami bayad by the number of attempts. Kung pwede nga walang tusok gagawin namin. Pero ang katawan ng bawat pasyente ay iba at hindi yan nag-a-adjust dahil may nanonood na nagmamadali o naga-assume na madaling gawin. Pressure adds nothing except stress at dagdag shaking ng kamay, which ironically increases the chances na hindi isang tusok.
Next time you watch, please observe with respect. Kung gusto mong makatulong, wag dagdagan ang anxiety. Let the healthcare worker focus kasi mas mabilis matatapos pag hindi binabantayan na parang mali kada galaw. Gusto rin namin matapos agad para hindi magtagal ang pasyente at hindi magtagal ang sakit. Hindi kami kalaban, kami yung tumutulong. And the best way to help is to let us do our job properly without constant commentary and unrealistic demands.