22/02/2022
ANO ANG HEMODIALYSIS?
⚠️ Kapag ang chronic kidney disease (CKD) ay humantong na sa STAGE 5, hindi na nakakalinis nang maigi ang ating kidneys. Nagkakaroon ng PAGKAIPON o BUILD-UP ng mga TOXINS at DUMI sa dugo na maaaring magdulot ng napakaraming sintomas at maging sanhi ng PAGKALASON at PAGKAMATAY.
⭕️ Ang HEMODIALYSIS ay isa sa DALAWANG URI ng DIALYSIS na ang layunin ay gampanan ang trabaho ng mga sirang kidneys na MAGLINIS ng DUGO at tanggalin ang mga TOXINS, DUMI, ACID at SOBRANG TUBIG mula sa katawan. Gumagamit ito ng mga sumusunod:
1. DIALYZER - ito ang ARTIFICAL KIDNEY na nagsisilbing FILTER upang linisin ang maduming dugo.
2. DIALYSATE FLUID - ito ay ang fluid na HUMIHILA at NAGTATANGAY ng mga TOXINS mula sa dugo. Binubuo ito ng TUBIG, BICARBONATE at mga ELECTROLYTES.
3. HEMODIALYSIS MACHINE - ito ang makinang KUMOKONTROL sa daloy ng dugo, daloy ng dialysate fluid, temperatura ng dialysate fluid at iba pang mga importanteng elemento ng hemodialysis.
4. AV FISTULA o CENTRAL CATHETER - ito ay ang lugar kung saan hinahatak ng machine ang dugo upang ito’y linisin. Dito rin ibinabalik ng machine ang dugong dumaan na sa dialyzer at nalinis na.
➡️ Ang maruming dugo ay hinahatak mula sa pasyente (galing sa AV fistula o catheter) at pinapadaan ito sa DIALYZER.
➡️ Kasabay ng pagdaan ng dugo sa dialyzer ay dumadaan din dito ang SARIWANG DIALYSATE pero sa pakabilang direksyon. HINDI NAGHAHALO ang DUGO at DIALYSATE sa loob ng dialyzer.
➡️ Dahil sa SEMI-PERMEABLE MEMBRANE ng DIALYZER, tanging mga TOXINS at SOBRANG TUBIG lamang ang lumulusot at tinatangay ng DIALYSATE. Ang DUGO ay HINDI nakakalusot sa membrane na ito.
➡️ Pagkatapos dumaan ng dugo sa dialyzer, bumabalik ito sa pasyente na MALINIS at BAWAS NA ANG MGA DUMI.
➡️ Ang proseso ng HEMODIALYSIS ay kadalasang tumatagal ng APAT (4) NA ORAS kada ISANG SESSION, at TATLONG (3) SESSION kada ISANG LINGGO. Ito ay upang malinis ng mabuti ang dugo.
Why go for Dialysis kung may natural na paraan naman... Opti Juice lng ang katapat nyan, natural, healthy at effective na, abot kaya pa ng bulsa..