14/04/2026
May mga pagkakataon talaga na hindi agad lumalabas ang placenta o tinatawag na retained placenta.
Kapag naiwan to sa loob, hindi lang basta “naiwan” lang, pwede ring magdulot ng malakas na pagdurugo na delikado para kay mommy 🩸
Pwede rin magkaroon ng impeksyon, lalo na kung matagal naiwan, na pwede ring magdulot ng lagnat, panginginig, at mabahong discharge 🤒
Kaya mommy, after manganak, bantayan pa rin ang katawan ha. Hindi porket tapos na ang delivery, tapos na rin ang lahat 💛
Kapag may kakaibang pakiramdam o tuloy-tuloy na pagdurugo, huwag mahiyang magpatingin.
Hindi lahat natatapos sa paglabas ni baby… may risks pa rin talaga after 😥
posted with consent