02/08/2022
BRGY. BABUYAN AT PITA HINATIRAN NG PROGRAMA NG RURAL HEALTH UNIT; KANILANG PROTEKSYON LABAN SA COVID-19 PA!
Upang paigtingin at palakasin pa ang kampanya sa pagpapabakuna ng mga Infantanians, gayundin ang serbisyong pangkalusugan na dapat matanggap ng isang buntis, binisita ng RHU-Infanta ang Barangay Pita at Babuyan noong Hulyo 27, 2022.
Hatid ng lokal na pamahalaan at DOH-HRH Infanta sa pamamagitan ng RHU ang ‘PinasLakas’ booster vaccination drive at Buntis Sigla program. Tinatayang animnapu’t pitong (67) indibidwal ang nabakunahan sa Vaccination Drive at labinsiyam (19) naman na indibidwal ang nabigyan ng serbisyong konsultasyon sa prenatal, pagbabakuna, libreng random blood sugar testing at pag-iskedyul ng iba pang pagsusuri sa laboratoryo, dental check-up, at libreng bitamina at mineral supplementation.
Naglalaman ang programa ng oryentasyon na ukol sa pinalawak na programa sa pagbabakuna laban sa COVID-19 at pagkakaroon ng sapat ng vaccine at mas magiging accessible ang mga bakuna, maging sa mga barangay. Inilunsad din ng programa ang pagpapaigting ng Safe Motherhood sa pamamagitan ng pagbawas sa pagkamatay ng ina, pagkamatay ng sanggol at wala pang limang taong gulang, mawakasan ang HIV at AIDS, palakasin ang mga network ng paghahatid ng serbisyo at pagbutihin ang pangangalaga sa oral health at nutrisyon, at paggamit ng programa sa pagpaplano ng pamilya.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng ganitong mga programa ay mas mapababa ang ng kaso ng COVID-19 at bilang ng mga nanay na namamatay o nagkakaroon ng kumplikasyon sa panganganak, at mailigtas rin ang mga sanggol.