School Emergency Response Unit-SERU

School Emergency Response Unit-SERU "School is a second home, not a danger zone"

August 22,2023| SERU BRIGADA ESKWELA       Bilang paghahanda sa paparating na bagong taon ng ating pag aaral, muling nag...
25/08/2023

August 22,2023| SERU BRIGADA ESKWELA

Bilang paghahanda sa paparating na bagong taon ng ating pag aaral, muling nagkaisa ang ating mga miyembro ng School Emergency Response Unit-SERU sa pangunguna ng g**o tagapagpayo Sir Glendell M.Huerto upang tumulong na magbrigada sa ating paaralan. Ang simpleng paglalaan niyo ng oras sa isang aktibidad ay malaking bagay ukol sa ating kalusugan at kaligtasan ,hindi lang para sa ating sarili kundi sa mga kapwa natin mag aaral ,sa mga g**o at iba pang mga tao na bumubuo sa ating paaralan. Ang kalinisan ay palaging nagbibigay ng maayos na kalusugan maging sa atin man o kapaligiran.

Noong Hunyo 08,2023 sa ganap na ika-9 ng umaga ginanap ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. Ito ay ...
09/06/2023

Noong Hunyo 08,2023 sa ganap na ika-9 ng umaga ginanap ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. Ito ay ay pinangunahan ng ating mga School Emergency Response Unit-SERU members at mga guto tagapagpayo sa Mataas na Paaralan ng Infanta.

Sa pangunguna ng ating mga g**o tagapagpayo Sir Glendell M. Huerto at Sir Jefferson Prudente ay nagkaroon ng Simulation Activity ang ating organisasyon ukol sa First Aid Response na makakatulong sa mga gantong sakuna na maaring mangyari. Mula naman sa ating Bureau of Fire and Protection,sila ay nakiisa sa pag obserba at pagmomonitor sa ginawang drill ng ating paaralan. Dito din nila pinaliwanag ang mga bagay na maaari pa namin pag aralan na makakatulong sa mas maayos at mabilis na pag-akto sa aming aktibidad, sa tulong nilang maiitama natin ang mga bagay na makakabuti sa ating mga susunod pang earthquake drill.

Sa kakulangan natin sa pwersa ng mga Senior Officers dahil sa mga aktibidad sa paaralan, pinakita ng ating mga bagong miyembro mula sa iba't ibang grade level ang kanilang mga natutunan at napag aralan sa oras na kanilang nilaan. Sa pagpapatuloy niyo na pagiging aktibo ay mas mapapatibay ang inyong kalakasan sa isip at katawan na makakatulong sa inyong sarili at pati na rin sa ating paaralan. Lubos kaming nagpapasalamat sa mga bagong miyembro at mga seniors na nakiisa at tumulong sa ating naganap na katibidad.

Hunyo 07,2023| Ang ating mga kababaihan mula sa tatlong unit ay nagkaroon ng training ukol sa Methods/Techniques of Band...
08/06/2023

Hunyo 07,2023| Ang ating mga kababaihan mula sa tatlong unit ay nagkaroon ng training ukol sa Methods/Techniques of Bandage, ito ay pinangunahan ng ating mga Senior Officers Trainors na nagmula sa Patient Handling And Casualty Transfer - PHCT Unit at ibang seniors sa ibang unit.

Inaanyayahan po namin ang inyong patuloy na pakikiisa upang matapos at mas maging maayos pa ang pagsasagawa natin ng bandaging. Hindi man tayo kumpleto ay hindi ito naging hadlang sa ating mga aktibidad.


Hunyo 8,2023| Sa pagsasanib pwersa ng tatlong unit ng ating organisasyon at pangunguna ng ating mga Senior Officers mula...
08/06/2023

Hunyo 8,2023| Sa pagsasanib pwersa ng tatlong unit ng ating organisasyon at pangunguna ng ating mga Senior Officers mula sa Junior Fire Marshal JRFM-Unit ay nagkaroon ang ating mga kalalakihan ng pagsasanay ukol sa Basic Transfer.

Sa konting oras na nilaan nila ay naging malakas ang pwersa ng ating mga kalalakihan bilang paghahanda sa earthquake drill. Bilang baguhan na mga miyembro nagpakita na agad sila ng pagiging aktibo at kasanayan sa pagbubuhat. Inaasahan po namin ang patuloy niyong pakikiisa sa mga susunod pang aktibidad.


Sa ating naganap na paghahanda noong ika-7 ng Hunyo sa gaganapin na earthquake drill ngayong araw ay nagkaroon ang buong...
07/06/2023

Sa ating naganap na paghahanda noong ika-7 ng Hunyo sa gaganapin na earthquake drill ngayong araw ay nagkaroon ang buong miyembro ng School Emergency Response Unit-SERU kahapon ng room to room sa buong grade level na nagpapaliwanag ukol sa Phases Of An Earthquake Drill.

Sa gantong pamamaraan ay magkakaroon tayo ng gabay upang maging litas at makaiwas tayo sa mga panganib na pwedeng mangyari. Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa sa gaganapin na earthquake drill ngayong araw sa ating Mataas na Paaralan Ng Infanta.


Sa ilang linggo na pagbibigay oras at effort ng bawat isa mula sa Basic Life Support - BLS Unit na pinangungunahan ni Mr...
07/06/2023

Sa ilang linggo na pagbibigay oras at effort ng bawat isa mula sa Basic Life Support - BLS Unit na pinangungunahan ni Mr. Julito M. Tiongco kasama ng ating mga Senior Officers mula sa kanilang samahan ay matagumpay nilang natapos ang final training ng Cardiopulmonary Resuscitation.

Bilang pangunguna ng ating g**o tagapayo Sir. Glendell M. Huerto ay pinangunahan nya ang naganap na demo ng ating mga miyembro na sumailalim ng ilang araw na training. Dito naipakita ang kanilang mga natutunan at kagalingan ng bawat miyembro ng BLS-Unit. Sa ilang araw na ito madami kayong natutunan, hindi lamang aral at edukasyon kundi pati na rin ang pagkakaroon niyo ng matatag na samahan na makakatulong sa pagpapalakas ng ating organisasyon. Mula sa akin binabati ko kayo ng congratulations at nawa ay mas maging aktibo pa kayo sa mga susunod pang aktibidad.


Sa patuloy na pakikiisa ng ating mga bagong miyembro ng Junior Fire Marshal-JRFM unit mula sa iba't ibang baitang ay nak...
06/06/2023

Sa patuloy na pakikiisa ng ating mga bagong miyembro ng Junior Fire Marshal-JRFM unit mula sa iba't ibang baitang ay nakatapos tayo sa unang yugto ng ating training.

Hunyo 6, 2023| Sa pangunguna ng ating mga Senior Officers nagsagawa ang mga bagong miyembro ng Agility Test upang masubok ang kanilang pisikal na pangangatawan at kalakasan sa ibang mga aktibidad. Bilang isang organisasyon na tumutulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating paaralan, mahalaga na mismo tayo ay may katatagan ng katawan at handang sumailalim sa mga training.

Nakatuon din ang kaninang pagpupulong sa kahalagahan ng pagkakaroon ng fire extinguisher sa isang paaraalan. Dito rin nakapaloob ang pagtuturo ng iba't ibang klase ng fire extinguisher at pag iisa-isa ng mga parte nito. Bilang isang miyembro ng JRFM Unit mahalaga na mapag aralan kung paano gumamit ng fire extinguisher at kung paano ito hahawakan ng tama, para sa kaligtasan ng iba at sa mismong sarili natin. Ang pagiging handa ay isa sa mga paraan upang makaiwas tayo sa ano man sakuna na pwedeng mangyari at mapanatiling ligtas ang nakararami.


Hunyo 1,2023| Sa paggabay ng ating mga Senior Officer Trainors ng Basic Life Support (BLS) Unit ,nasubukan ang kaalaman ...
02/06/2023

Hunyo 1,2023| Sa paggabay ng ating mga Senior Officer Trainors ng Basic Life Support (BLS) Unit ,nasubukan ang kaalaman at kagalingan ng ating mga Grade 10 Trainors sa pagtuturo ng Cardiopulmonary Resuscitation-CPR sa iba pang mga baguhang miyembro.

Bilang paghahanda sa magaganap na pagtuturo sa bawat baitang ng CPR ay pinapalakas ng bawat isa ang pwersa ng BLS Unit upang patuloy na mapaganda ang daloy ng kanilang pagde-demo o pag aaral ng mga basic first aid. Ang patuloy na pagbabalik aral sa bawat hakbang ng BLS-CPR ay napakalaking tulong sa maayos na paglilipat ng kaalaman o impormasyon na makakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating sarili at mga taong nakapaligid sa atin. Tandaan natin na walang silbi ang ating kaalaman kung ito'y patuloy lamang na mananatili sa ating sarili.


Sa pagpasok ng buwan ng hunyo ay kasabay din nito ang pagsisimula ng mga aktibidad mula sa Junior Fire Marshall (JRFM) U...
02/06/2023

Sa pagpasok ng buwan ng hunyo ay kasabay din nito ang pagsisimula ng mga aktibidad mula sa Junior Fire Marshall (JRFM) Unit. Sa kabila ng mga pagsubok na dumating ay muling bumangon at pinalakas ng ating mga Senior Officers ang pwersa ng ating unit.

Bilang pagsalubong sa ating mga bagong miyembro ng ating samahan , sinimulan natin magsagawa ng orientation na pinangunahan ng ating mga School Emergency Responder-SER na naglalaman ng mga impormasyon ukol sa Fire Safety And Prevention Tips na nagmula sa R.A. 9514 (The Fire Code Of The Philippines Of 2008) at Revised Implementing Rules And Regulations (2019). Kasama ng ating mga miyembro mula sa Citizenship Advanced Training - CAT sinimulan na din ituro ang mga basic formation at ang tamang pagpugay sa ating watawat sa harap ng Mataas na Paaralan ng Infanta. Muli kami ay nagpapasalamat sa inyong pakikiisa at patuloy namin na hinihiling ang inyong aktibong pakikilahok sa mga susunod pang aktibidad ng ating samahan.


Noong ika - 22 ng Mayo ginanap ang kahulihang training ng mga bagong miyembrong pang umagang pasok ng Basic Life Support...
23/05/2023

Noong ika - 22 ng Mayo ginanap ang kahulihang training ng mga bagong miyembrong pang umagang pasok ng Basic Life Support - BLS Unit. Ito'y patuloy na isinagawa upang paghandaan at palakasin ang pwersa ng kanilang samahan ukol sa magaganap na pagtuturo sa iba pang baitang. Sa pamumuno ng ating mga Senior Trainors sa BLS UNIT nagawa nilang tulungan at palawakin ang kaalaman ng bawat isa na makaraos sa training ng mga baguhang miyembro ukol sa Cardiopulmonary Resuscitation, Back Blows at Abdominal Thrusts. Hinihiling ko ang patuloy niyong pakikiisa sa mga susunod pa nating aktibidad at training na makakatulong sa inyo, sa ating mga estudyante at kaguruan mula sa Mataas na Paaralan ng Infanta.

Sa paglalaan ng oras ng mga bagong miyembro ng Basic Life Support - BLS Unit at sa pangunguna ng ilang trainors mula sa ...
18/05/2023

Sa paglalaan ng oras ng mga bagong miyembro ng Basic Life Support - BLS Unit at sa pangunguna ng ilang trainors mula sa Seniors Level. Patuloy nilang sinusubok ang kanilang galing at abilidad upang mas mahasa ang kanilang kaalaman sa iba't ibang uri ng first aid.

Kasama dito ang Chest Compressions at Rescue Breaths na makakatulong sa maayos na pagsasagawa ng Cardiopulmonary resuscitation (CPR). Ang tamang proseso nito ay makatutulong lalong lalo na sa pagliligtas ng tao na dumaranas ng heart failure, hirap sa paghinga o iba pang sitwasyon na maaring mangailangan ng CPR.

Address

V Ruanto Street Brgy Miswa, Infanta National High School
Infanta
4336

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when School Emergency Response Unit-SERU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share