01/05/2026
📢 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃
Ang QPHN - Claro M. Recto ay naglaan ng hiwalay na schedule para sa ating mga g**o kaugnay ng kanilang Annual Physical Examination (APE) at pag avail ng YAKAP Benefits. Itoy upang mabigyan kayo ng mas mabilis at maayos na serbisyo. Layunin nito na maiwasan ang mahabang paghihintay at matiyak ang mas organisadong daloy ng proseso.
𝐕𝐄𝐍𝐔𝐄: Tongohin National High School
𝐓𝐈𝐌𝐄: 1:00PM - 5:00PM
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔:
• Ang mga g**ong hindi makakadalo sa itinakdang iskedyul ay maaari pa ring magpatingin sa pamamagitan ng regular na OPD consultation (Lunes hanggang Biyernes).
• Gayunpaman, sa regular na araw ng konsultasyon ay wala pong hiwalay o espesyal na pila para sa mga g**o, at kayo ay sasabay sa mga karaniwang pasyente.
𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢
• Siguraduhing kayo ay nakapili na ng inyong YAKAP provider (piliin ang QPHN - Claro M. Recto Infanta) sa pamamagitan ng inyong eGov app bago ang itinakdang iskedyul.
• Kinakailangan ding kayo ay nakapag-verify na gamit ang PhilHealth Utility Check para sa identity at liveness verification.
Link: https://pcu.philhealth.gov.ph/
• Matapos ang verification, e screenshot at siguraduhing maiprint ang resulta at dalhin ito sa araw ng inyong pagpunta.
Para sa karagdagang impormasyon, maari po kayong mag message dito sa aming FB Page.
Maraming salamat po.