26/05/2022
MGA KAALAMAN SA MYOMA SA MATRIS:
ANO ANG MYOMA?
Ang myoma (uterine fibroids; myoma uteri) ay mga bukol-bukol na umuusbong sa matris ng babae sa mga taong sila'y maaaring magdalang-tao. Hindi ito kanser, at hindi isang nakakamatay na sakit, subalit ito'y maaaring magdulot ng kirot o sakit sa puson at pagbabago sa monthly period. Gayunpaman, karamihan ng babaeng may myoma ay walang nararanasan na sintomas.
ANO ANG SANHI NG MYOMA?
Hindi pa lubusang naipapaliwanag ang pagkakaron ng myoma. Ang kasalukuyang paliwanag ay ang pagkakaron ng myoma ay dulot ng kombinasyon ng 'genetics' (nasa lahi) at mga 'hormones' sa katawan:
SINO ANG MAY POSIBILIDAD NA MAGKAROON NG MYOMA?
Lahat ng babae na rumeregla pa o maaari pang magdalang-tao ay pwedeng maapektuhan ng myoma. Napag-alaman na kung ikaw ay nabuntis at nagdalang-tao noong nakaraan, bumababa ang posibilidad na magkaron ka ng myoma. Ang paggamit ng pills o OCPs para sa family planning ay napag-aralan ring nakakababa ng risk sa myoma, ngunit marami pang pag-aaral ang kailangan gawin upang matiyak ang mga ito.
MGA SINTOMAS NG MYOMA SA MATRIS:
1. Pagbabago sa monthly period, kagaya ng dinudugo ng mas grabe, o kaya mas habang period, imbes na 3-4 na araw, tumatagal ng isang linggo o higit pa
2. Masakit o makirot na pakiramdam sa bandang puson o pantog, o di kaya sa balakang o hita
3. Mga pagbabago sa pag-ihi, kagaya ng mas madalas na pag-ihi, mahapding pag-ihi, parang hirap ilabas ang ihi, o parang binabalisawsaw
4. Mga pagbabago sa pagdumi, partikular ang pagtitibi
5. May masakit o makirot habang nakikipagtalik
ANONG MGA SINTOMAS AY DAPAT IKONSULTA SA DOKTOR?
Alin man sa ating mga nabanggit, kung nakakasagabal sa’yo at hindi mawala-wala, ay maaaring ipatingin sa doktor. Ang mga sumusunod ay dapat din bigyang-pansin at kaagad ipatingin:
1. Pagdudugo bukod sa mga monthly period
2. Hirap na dumumi o umihi
3. Biglaang paglala ng anuman sa mga sintomas na ating nabanggit.
Upang maiwasan ang ganitong sakit, Uminom at gumamit ng megaherbs capsule..