04/01/2026
‼️PUBLIC ADVISORY‼️
Simula Enero 5, 2026, Lunes, ganap nang magbubukas at magiging operational ang Jones Super Health Center. Lahat ng serbisyong pangkalusugan ay isasagawa na sa bagong pasilidad.
📍 Bagong Lokasyon / Landmark:
Sa loob ng Jones Municipal Grounds, katabi ng Jones Evacuation Center
(Google Maps: Jones Super Health Center)
Kasabay nito, ang Jones Animal Bite Treatment Center (ABTC) ay pansamantalang matatagpuan at magbibigay ng serbisyo sa Medical Clinic sa loob ng Jones Municipal Evacuation Center, katabi ng Jones Super Health Center. Ipinapaalala sa publiko na ang lahat ng umiiral na patakaran at alituntunin ng ABTC ay patuloy na ipatutupad, at ang ABTC ay muling tumatanggap ng mga bagong pasyente.
Inaanyayahan ang publiko na bumisita sa Jones Super Health Center para sa kanilang pangangailangang pangkalusugan. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at kooperasyon.