16/08/2025
Ang hindi ko maintindihan sa mga tao, hindi nila ma-appreciate ang courage ng iba. For instance, itong kay Liza Soberano. Ano raw ang point bakit pa nag-open up? Well, may nag-invite sa kanya to share her story. Hindi ba pwede 'yon? At pwede naman din 'yun kasi buhay niya 'yon. Anytime, pwede ka namang magshare ng story mo. Ang di ko magets ay laging may mga taong magsasabi na "desperate times call for desperate measures" at gusto niyang gawin para "maging relevant". Well, naprove nga niya yung point niya: No one actually listens.
Ang mahirap sa marami sa atin, kapag di ka magsasabi ikaw ang mali. Tapos kapag magsasabi ka, may sasabihin ulit.
Kaya magandang reminder 'to. Live your life according to your terms. Kung hindi mo pa kaya for now, take it slow hanggang sa makaya mo na talagang makalaya sa sitwasyong ayaw mo.
Photo credit: Can I Come In?