07/05/2018
Iwas dengue muna tayo...
Tips ni Dr. Richard Mata
Ano ba ang magandang mosqiuto repellant?
Naalala ko meron kaming 7 years old patient na Dengue patient na talagang umabot sa 50-50 ang buhay niya.
Napasok sya sa intensive care unit (ICU) at sya ay nakabit pa sa ventilator at nakatubo upang makahinga.
Sa awa ng Diyos, nalampasan po niya ang panganib. Tinanong namin kung ano ang una niyang gagawin kapag nakalabas na sya ng hospital.
Ang sagot niya ay hahanapin daw niya ang lamok na kumagat sa kanya at papatayin niya. Natawa kami.
Pero napagisip ako, isang napakaliit na insekto pero nagdulot ng ganitong pinsala sa isang tao.
Alam niyo ba na ang pinakadelikadong hayop sa balat ng lupa ay hindi po ahas, di po ang lion, di po ang shark, o ano pa man kundi ang lamok!
Ang lamok ang may pinakamaraming napatay na tao taon taon. Around 725,000 per year. Talo pa ang mga namamatay sa giyera.
Sa ating bansa ang Dengue at Malaria ang mga sakit na dala ng lamok.
Kaya't kailangan may mga dapat tayong gawin upang di sila dumami.
Ang paglinis at pagtangal ng mga nakapondong tubig sa kapiligiran ang ating ginagawa araw araw.
4 oclock habit ang tawag sa DOH niyan.
Ang parating tanong, "ano ang pinakamabisang insect repellant?"
Ang common na nakikita ko sa Pinas na benta ay...
1. Off Lotion (with DEET)
2. Citronella lotion or spray (DEET free)
3. Citronella bracelets (DEET free)
4. Citronella sticker badges (DEET free)
May iba pa yan kaya lang di ko gaanong napapansin yung iba sa mga stores.
Ano ba itong DEET?
Ang original name ng chemical na ito ay N,N-Diethyl-meta-toluamide. So ang palayaw niya at DEET dahil marihap bigkasin ang original.
Sa mga pag-aaral sa buong mundo, ang DEET ang pinakamabisa na repellant sa lamok at iba pang insekto.
Ginagamit na ito since 1957.
So ang tanong, ano ang maganda DEET or DEET free?
Maraming nagsasabi na mas maganda raw yung DEET free like Citronella dahil natural dahil ang DEET raw ay may side effect.
Kung ikaw naman ay magreresearch wala naman talagang malinaw na ebidensya na may side effect ang may DEET since 1957.
Kung ipagtabi ang bisa ng DEET at Citronella, eto ang kalabasan...
Ang mga bracelet at patches na may Citronella ay halos walang bisa laban sa lamok.
Ang lotion o spray na Citronella ay mabisa ng bahagya sa simula at nawawala sa 30 minutes o isang oras lang.
So kung bisa lang ang paguusapan mas malayong mas mabisa ang DEET kaysa sa Citronella.
Ang DEET ay mas malinaw ang repellant effect at mas matagal nawawala ang bisa. Yung 15 % na Off Lotion ay tatagal ng 6-8 hrs. Yung 7.5% ay tatagal ng mga 4 hrs. So reapply ka lang uli.
Based sa American Academy of Pediatrics, pwede ang DEET na less than 30% sa bata.
Actually di natin kailangan ng mataas na percent. Kahit maliit lang gaya ng 7.5 % ay effective pero remember na mas madali mag fade ang lower percent.
Di po ako bayad ng Off Lotion kaya lang wala kasi iba sa market na DEET.
Ang mga anak ko po may Off Lotion everyday.
Di ba ako natatakot sa side effect ng DEET? I did my personal readings and research and DEET has been there for 60 years and used by millions with no clear report of harm. That is enough for me.
Actually kahit Citronella ay mga nagrereact rin kung di hiyang.
Mas takot po ako sa lamok to answer you directly. Kung may ilalagay man ako yung effective na.
Ang pinakadelikadong side effect ay yung walang effect! Gets niyo?
Tips on using Off Lotion:
1. Bawal sa 2 months and below
2. Bawal sa balat na nasa ilalim ng damit. Sa balat lang na air exposed. Pwede nama over ng damit.
3. Bawal sa may mga sugat or allergy na area.
4. Pwede naman konte sa mukha, wag lang palibot ng mata at labi.
Ito po ay opinion ko lang po at para sa pamilya ko. Kung ako po nakatira sa malalamig na lugar gaya ng US, siguro Citronella ang gagamitin namin. Cute pa dahil may patches.
Pero dahil andito kami sa tropical na country na bigla ka nalang may maririnig na namatay dito o doon dahil sa dengue, mas iisipin ko pa ang dengue na may malinaw na danger kaysa sa side effect ng DEET na di pa malinaw.
My preference of course will change if may new research na may mas effective sa DEET at ito ay natural source. As of now wala pa.