Kalibo Municipal Health Office

Kalibo Municipal Health Office Official Page of KALIBO Municipal Health Office

Ano ang New Year’s resolution mo ngayong 2026?Panahon na para gawing pangmatagalang goal ang mas malusog at mas masiglan...
01/01/2026

Ano ang New Year’s resolution mo ngayong 2026?

Panahon na para gawing pangmatagalang goal ang mas malusog at mas masiglang buhay. Simulan ito sa 7 Healthy Habits na makatutulong sa pangangalaga ng sarili at ng buong pamilya:

✅ Move More, Eat Right
✅ Be Clean, Live Sustainably
✅ Get Vaccinated
✅ Don’t Smoke and Don’t V**e, Avoid Alcohol, Say No to Drugs
✅ Care for Yourself, Care for Others
✅ Practice Safe S*x
✅ Do No Harm, Put Safety First

Gawin nating prioridad ang kalusugan dahil bawat buhay mahalaga.






📸 DOH Metro Manila Center for Health Development

𝗠𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻✅Gumamit ng dustpan at walis sa paglilinis. ‘Wag damputin ang mga kalat gamit ang k...
01/01/2026

𝗠𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻

✅Gumamit ng dustpan at walis sa paglilinis. ‘Wag damputin ang mga kalat gamit ang kamay.

✅Gumamit ng mask para takpan ang bibig at ilong habang naglilinis ng paligid. Makatutulong ito para hindi malanghap ang usok o dumi.

✅Matapos ang salubong, basain ang mga paputok o parte nito bago linisin. ‘Wag nang sindihan ang mga ito.

✅Ihiwalay ang mga paputok at ilagay ito sa basurahan ng mga hindi nabubulok o non biodegradable.

✅Magpatingin sa health center kung sakaling makaramdam ng iritasyon habang naglilinis.

Maging responsable at unahin ang kaligtasan sa bawat hakbang matapos ang selebrasyon. Ibahagi ang paalalang ito upang mas marami ang maging ligtas at malusog ngayong Bagong Taon.






📸 DOH Metro Manila Center for Health Development

🚨𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗙𝘂𝗿𝗯𝗮𝗯𝗶𝗲𝘀🚨✅Ilipat sa tahimik at ligtas na lugar upang mabawasan ang kanilang takot at stress....
30/12/2025

🚨𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗙𝘂𝗿𝗯𝗮𝗯𝗶𝗲𝘀🚨

✅Ilipat sa tahimik at ligtas na lugar upang mabawasan ang kanilang takot at stress.
✅Maaari silang balutin ng tela o kumot para gawing body wrap o gumamit ng ear plugs upang mabawasan ang epekto ng malalakas na tunog.
✅Bantayan ang stress o kakaibang pag-uugali; agad kumonsulta sa beterinaryo kung kinakailangan.

Piliin ang responsable at makataong pagdiriwang. Iwasan ang paputok at gawing ligtas, tahimik, at mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon para sa ating mga alagang hayop.







📸 DOH Metro Manila Center for Health Development

🚨𝗧𝗶𝗽𝘀 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗲𝗺𝗶𝗸𝗮𝗹 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗽𝘂𝘁𝗼𝗸🚨✅Ilayo agad ang biktima sa mausok na lugar at dalhin sa espa...
30/12/2025

🚨𝗧𝗶𝗽𝘀 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗲𝗺𝗶𝗸𝗮𝗹 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗽𝘂𝘁𝗼𝗸🚨

✅Ilayo agad ang biktima sa mausok na lugar at dalhin sa espasyong may sariwang hangin.
✅Paluwagin ang damit at paupuin sa komportableng posisyon.
✅Kung may iritasyon sa mata, banlawan agad ng malinis na tubig. Iwasang kusutin ang mga mata.
✅Kapag hindi humupa ang hilo, ubo, o hirap sa paghinga, tumawag sa emergency hotline o dalhin agad sa health center o ospital.

📞 DOH Hotline: 1555
🚑 National Emergency Hotline: 911

Tandaan na ang usok mula sa paputok ay may taglay na kemikal na maaaring makasama lalo na sa mga bata, buntis, nakatatanda, at may hika o sakit sa baga.

Piliin ang kaligtasan ng pamilya. Iwasan ang paputok at gumamit na lamang ng ligtas na alternatibo sa pagdiriwang.







📸 DOH Metro Manila Center for Health Development

🚨 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗔𝗶𝗱 𝘀𝗮 𝗡𝗮𝗽𝘂𝘁𝘂𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮 🚨Ang mata ay maselan. Isang maling hakbang ay maaaring magdulot ng permanenteng pinsala...
30/12/2025

🚨 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗔𝗶𝗱 𝘀𝗮 𝗡𝗮𝗽𝘂𝘁𝘂𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮 🚨

Ang mata ay maselan. Isang maling hakbang ay maaaring magdulot ng permanenteng pinsala. Kung may aksidente dahil sa paputok, gawin agad ang mga sumusunod:

✅Padaluyan ng malinis at maligamgam na tubig ang apektadong mata.
✅'Wag kalikutin o kamutin ang apektadong mata.
✅Humanap ng malinis na tela o gaza at takpan ang apektadong mata.
✅Dalhin agad sa pinakamalapit na ospital o health center. Kailangan mabigyan din ng pang kontra tetano ang biktima.

📞 DOH Hotline: 1555
🚑 National Emergency Hotline: 911

Sa oras ng aksidente, ang mabilis at tamang aksyon ang nagliligtas ng buhay. Ibahagi ang impormasyong ito sa pamilya at kaibigan at piliin ang ligtas na selebrasyon. Umiwas sa paputok!







📸 DOH Metro Manila Center for Health Development

🚨𝗧𝗶𝗽𝘀 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝘂𝗻𝗼𝗸 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗽𝘂𝘁𝗼𝗸🚨✅Huwag piliting magsuka ang biktima dahil maaari itong magdulot ng karagdagang pinsala ...
30/12/2025

🚨𝗧𝗶𝗽𝘀 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝘂𝗻𝗼𝗸 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗽𝘂𝘁𝗼𝗸🚨

✅Huwag piliting magsuka ang biktima dahil maaari itong magdulot ng karagdagang pinsala sa lalamunan at tiyan.
✅Pakainin ng hilaw na puti ng itlog kung ang biktima ay may malay at kayang lumunok:
- Bata: 6–8 piraso
- Matanda: 8–12 piraso
✅Pagkatapos ng paunang lunas, agad na dalhin ang biktima sa pinakamalapit na health center o ospital para sa tamang gamutan.

Huwag ipagsawalang-bahala ang ganitong insidente. Tandaan na ang mabilis at tamang aksyon ay nakapagliligtas ng buhay. Iwasan ang paputok at piliin ang ligtas na selebrasyon.







📸 DOH Metro Manila Center for Health Development

🚨 𝗠𝗴𝗮 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗚𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗡𝗮𝗽𝘂𝘁𝘂𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗽𝘂𝘁𝗼𝗸🚨✅Huwag maliitin ang anumang paso o sugat na dulot ng paputok kahit maliit, ...
28/12/2025

🚨 𝗠𝗴𝗮 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗚𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗡𝗮𝗽𝘂𝘁𝘂𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗽𝘂𝘁𝗼𝗸🚨

✅Huwag maliitin ang anumang paso o sugat na dulot ng paputok kahit maliit, maaari itong lumala at magdulot ng impeksyon.
✅Hugasan ang sugat ng sabon at malinis na tubig.
✅Takpan ang sugat ng sterilized gauze bandage.
✅Pumunta agad sa health center o ospital para sa bakuna kontra tetano.

📞 DOH Hotline: 1555
🚑 National Emergency Hotline: 911

Sa oras ng aksidente, ang mabilis at tamang aksyon ang nagliligtas ng buhay. Ibahagi ang impormasyong ito sa pamilya at kaibigan at piliin ang ligtas na selebrasyon. Umiwas sa paputok!







📸 DOH Metro Manila Center for Health Development

𝐌𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐡𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚! Tandaan na an...
28/12/2025

𝐌𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐡𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚!

Tandaan na ang tunay na selebrasyon ay nagsisimula sa tamang pag-aalaga sa ating katawan, kaya piliin ang kumain ng tama at sa tamang dami sa ating mga handaan. Ugaliing magdagdag ng mas maraming prutas at gulay sa hapag, uminom ng sapat na tubig, at hangga't maaari ay iwasan ang mga pagkaing masyadong matatamis, maaalat, at matataba. Sa pamamagitan ng disiplina sa pagkain at wastong ehersisyo, masisiguro nating masaya, ligtas, at puno ng enerhiya ang ating pagsalubong sa masaganang taon na darating.



📸 Department of Health (Philippines)

𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐚𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐮𝐠𝐚𝐭 𝐨 𝐏𝐚𝐬𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐩𝐮𝐭𝐨𝐤Naririto ang mahahalagang hakbang na dapat tandaan kung sakal...
26/12/2025

𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐚𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐮𝐠𝐚𝐭 𝐨 𝐏𝐚𝐬𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐩𝐮𝐭𝐨𝐤

Naririto ang mahahalagang hakbang na dapat tandaan kung sakaling magkaroon ng sugat o paso mula sa paputok. Ang kaligtasan ng bawat isa ay nagsisimula sa tamang kaalaman at maagap na pagkilos lalo na sa panahon ng selebrasyon, kaya mahalagang manatiling kalmado sa oras ng aksidente at agad humingi ng tulong medikal upang maiwasan ang paglala ng kalagayan at masigurong maayos ang paggaling.

Mas mabuting gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay upang masiguro ang isang masaya, payapa, at ligtas na pagdiriwang para sa buong pamilya.

📸 Department of Health (Philippines)

𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘“Give Blood, Give Life with Hope this Christmas.”🗓️ Date : December 18, 2025🕗Time : 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐎𝐍𝐖𝐀𝐑...
15/12/2025

𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘

“Give Blood, Give Life with Hope this Christmas.”

🗓️ Date : December 18, 2025
🕗Time : 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐎𝐍𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒
📍Venue: Bliss Site Covered Court, Kalibo, Aklan

SIN-O PWEDE MAKA DONAR IT DUGO?
* Naga edad 18-60 anyos (kinahangean it parental consent sa mga naga edad 16-17 anyos).
* Ro kabug-at hay dapat 50 kilos pataas.
* Mayad nga pangeawasun.
* Uwa it eagnat, ubo ag sip-on.

MGA PAHANUMDUM SA MAGA DONAR IT DUGO

* Kinahangean nakapamahaw it humay ag suea bago mag pabuoe it dugo.
* Indi magkaon it baboy o mamantikaon nga pagkaon bago mag donar.
* Owa nagpueaw, kinahangean nakatueug it waeong oras (8 hours).
* Owa naka inom it maka hieilong nga ilimnon sa sueud it 24 oras.
* Indi manigarilyo bago ag pagkatapos it donar.
* Sa mga baye nga naga regla hay dapat napueong adlaw (10 days) bago o pagkatapos it regla puwede eon maka donar.
* Kon may tattoo o tuhog sa dueonggan o ano mang parte it eawas, dapat paeampason ro sang dag-on bago mag donar.
* Kon ikaw gin operahan o kaagi it pagtayunan it dugo, dapat paeampason ro sang dag-on bago mag donar.
* Ro agwat it pagdonar hay dapat tatlong buean (3 months) bago maka donar it oman.

YOU ARE NOT QUALIFIED TO DONATE IF YOU HAVE THE FOLLOWING CONDITIONS:

RISK BEHAVIOR FOR HIV
* Bawae makipaghieawas sa tawong bukon mo it asawa ag sa sari saring tawo ngamay ginabatyag nga sakit nga bukon mo it kilaea.
* Sa may sakit nga Syphilis, Gonorrhea o STI/STD sa nagtaliwan nga dag-on.
* Dating nakulong sa presuhan.
OTHER MEDICAL CONDITIONS
* May Lung Cancer, Breast Cancer, Leukemia, lymphoma, etc.
* Dati nga may sakit sa atay , Hepatitis. Gapang dueaw (mata ag panit).
* May Kidney/Lung disease.
TRAVEL
* Nagbakasyun or nagpamasyar sa ibang nasyon o lugar nga ginabawaean mag donar it dugo sa kadahilanang naexpose ka sa sakit nga Madcow disease, Malaria, etc. magpangutana sa Blood bank sa kumpleto nga listahan hit lugar.

Address

Kalibo
5600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63632621741

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalibo Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Kalibo Municipal Health Office:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram