
11/08/2025
Matagumpay na natapos ang isinagawang mid-year sectoral assessment na pinangunahan ng Community Development Team ng OceanaGold (Philippines), Inc. para sa mga programang pangkalusugan sa ilalim ng Social Development and Management Program (SDMP), katuwang ang Barangay LGU ng Didipio.
Nakilahok ang mga barangay health personnel, mga kinatawan mula sa Didipio Community Hospital (DCH), at ang chairman ng committee on Health na si Kag. Gideon Mores upang suriin ang progreso, at estado ng implementasyon ng mga programa at proyektong pangkalusugan at malaman ang mga hamong kinaharap. Gayundin na tinukoy ang mga hakbang na maaaring gawin upang masolusyonan ang mga hamong ito at mas mapabuti ang implementasyon sa hinaharap.