18/06/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Public Advisory No. 2025-023 | June 18, 2025
Hinihikayat ng Department of Health - Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ang publiko na maging maalam at alerto tungkol sa Mpox. Gamitin natin ang tamang impormasyon para makaiwas sa Mpox na ating kayang tukuyin.
Ang Mpox ay sakit na dulot ng virus. Malapit, pisikal, at balat-sa-balat na dikitan kasama na ang pakikipagtalik ang dahilan ng hawa nito. Hindi ito naililipat sa ihip ng hangin.
Nakikita ang Mpox: mga butlig sa balat na kadalasan ay may kasabay na lagnat at pamamaga ng mga kulani. Maaaring mapagkamalang Mpox ang ibang sakit tulad ng bulutong o ng tigdas, kaya't mainam na ikonsulta agad para malaman.
Tanging Clade II pa lamang ang nakikita sa buong Pilipinas, at hindi ang Clade Ib na ikinababahala sa ibang panig ng mundo.
โ
Pag-usapan ng walang kaba ang Mpox, at kumuha ng impormasyon mula sa DOH o sa doktor ng lokal na pamahalaan. Wag basta basta maniwala sa fake news na kumakalat.
โ
Ugaliin ang madalas at tamang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, o hand sanitizer/alcohol.
โ
Iwasang magbahagi o magpahiram ng mga personal na gamit ng maysakit, gaya ng tuwalya at iba pa.
โ
Palaging mag-sanitize ng mga gamit partikular sa mga bagay na palaging ginagamit o nahahawakan ng may sakit.
โ
Iwasan muna ang mga aktibidad na maaaring magkaroon ng close contact (balat-sa-balat), lalo na sa mga may sintomas ng sakit o sa mga hindi kakilala.
โผ๏ธAng mga aktibidad na gaya nito ay nakakapagpataas ng pagkakataong makakuha ng Mpox: pakikipagtalik, halikan, yakapan, masahe, o dikitan ng balat.
โ
Nakakatulong magsuot ng long sleeves at pantalon dahil natatakpan ang balat.
โ
Kung ikaw ay may nakikitang mga butlig o rash, may lagnat, o kaya ay may namamagang kulani, at may naaalalang pagdikit ng matagalan sa taong may sintomas, o di kilala, agad na kumonsulta o tumawag sa pinakamalapit na Health Center.
Mabisang proteksyon ang tamang kaalaman at maagap na aksyon. Palaging umantabay at sundin ang mga abiso mula sa DOH at sa mga lokal na pamahalaan. Nakikita at naiiwasan ang Mpox.