
03/05/2025
Hindi ko ineexpect na dadating samin ang pagkakataon na lumapit o humingi ng tulong sa isang politiko para sa isang mabigat na pangyayari. Nguni't sa unang pagkakataon, lumapit po ako sa iyo at hindi mo po binigo.
Sigurado po ako na hindi mo na natatandaan ang kwento ko kasi nung panahon na lumapit ako sayo..ang tanong mo lang po ay kung napano si Nanay..at ang sabi ko ay na-mild stroke po kaya nasa ICU:hospital.
Naglakas loob kaming lumapit po sayo dahil hindi na namin kakayanin ang gastusin. Ang tanong pa po secretary mo kung for discharge na si Nanay ko. Ang sagot ko hindi pa. At kung sigurado daw ako na ilalapit ko na ung hosp bill na hawak ko. At ang sabi ko oo kasi malaki na ang halaga..nasa 6-digit na 😢
Pumila ako...naghintay..kinausap..naghintay...hintay...intay...at sa wakas tinawag. Pinaupo, hiningian ng ID, pinapirma...ng hindi man lang sinasabihan kung ano na ang nangyayari o kung magkano ang itutulong. Laking gulat ko..nung isinulat po ng staff mo ang tulong na iaabot mo 😲😮
At sa hindi inaasahang pagkakataon at lugar...napaiyak ako ng very very light 😢 Tinanong mo pa kung bakit po ako umiiyak 🤣 sabi ko hindi ko po kasi ineexpect ung malaking tulong na un...sapagkat ung moment na un...binura/inalis/pinawi mo po ang isipin at problema namin. Hinding hindi ako makapaniwala na may tao palang kayang tumulong ng ganun.
At hindi pa nagtatapos dun. After 1 month, sumubok ulit akong lumapit sayo dahil muli, may kailangan uling gawin sa Nanay ko, at muli, may kamahalan na naman ang halaga ng test na gagawin.
Pumila, tinanong,kinausap mo po kung ano problema, naghintay... hintay...intay ulit. Same process, tinawag, interview, at pinapirma ng hindi na naman alam kung ano na ang mangyayari. At muli, nagulat na naman dahil sinagot mo na naman po ang problema namin.
Humiling lng po ako sa secretary mo na magpathank you at paalam sayo..at ako pa po ang nahiya sa sagot mo. Ang sabi mo “Pasensha na, yan lng ang nakayanan ko.” My goodness Mayor...sobra sobra na po iyon.”
Nagpapasalamat kami sa lahat ng tumulong at tumutulong samin, pero hindi ko maikakaila na malaking bagay ang mga binigay mo pong tulong.
Ung fact na, hindi kailangang magpafill up muna ng form, submit documents..ung “agarang aksyon” ...yun un eh!
Sabi nila, hindi dapat tumanaw ng utang na loob ang mga mamamayan sa mga nakaupo sa gobyerno. ..dahil pera naman ng mamamayan yan. Pero para sa akin, we will be forever grateful and indebted to you sa pagtulong na ginawa mo po sa amin.
Hindi na ang pagiging mayor mo ang pinairal at pinaiiral mo...kundi ang pagiging isang angel o Angelo Aguinaldo.
Maraming Maraming Salamat po Mayor! Sana madami ka pa pong matulungan.
God bless you po!