09/12/2025
Ngayon araw, sa pangunguna ng ating HIV/AIDS Prevention and Control Program Coordinator, Nurse Mark Leonard De Dios, ating isinagawa ang Prevention Starts with Me: HIV AIDS Orientation sa ating mga kasamang lingkod bayan. Kasama ang ating mga masisipag na kapitan, SK Chairman, Kagawad on Health, BHWs at BNS, kabilang din ang mga kasama natin masisigasig na empleyado ng ating pamahalaang bayan, nagbigay tayo ng angkop at mga napapanahong datos, impormasyon at updates upang maiwasan at malabanan at masugpo ang mga kaso ng HIV AIDS sa ating mga pamayanan.
Ipinapaabot din po ng ating opisina ang taos pusong pasasalamat sa ating mga nakatuwang sa ating aktibidad, mula sa ating Regional Program Coordinator, Sir Soy Maquera at sa ating ever-reliable partner, Family Planning Organization of the Philippines, matagumpay po natin naisagawa ang ating aktibidad na naglalayon na hikayatin ang ating mga kasamang lingkod-bayan na magkaisa upang labanan ang paglaganap ng sakit na HIV AIDS sa ating bayan.
Armie Aguinaldo
Angelo G. Aguinaldo
Rossell Arellano
Atty. Angelica Pulido
Konsi Jerry Baylen Jarin
Alvin Samala Bunag
Junbie Reyes Samala
B**g Dones Cajigas
Resty Escarilla Layola
Kawit Public Information Office