
01/04/2025
AVDH 🫶
Sa pagdaos ng talakayan ng Values Restoration Program ngayong araw, Marso 31, 2025,
kasama ang mga kawani ng kapitolyo, binigyang diin ang halaga ng "commitment and dedication" sa kanilang paglilingkod sa publiko. Ipinaliwanag sa mga empleyado na kaakibat ng kanilang sinumpaang tungkulin ay ang natatanging katangian ng pagiging matapat at may tunay na malasakit sa kapwa.
Layunin ng programa na mapanatili ang mataas na antas ng etika, disiplina, at integridad sa serbisyo publiko.
Regular itong isinasagawa tuwing Lunes, alinsunod sa Civil Service Commission Announcement No. 40, series of 2017 at pinagtibay ng Executive Order No. 49 na inilabas ni Gov. Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza.//idcd-pgo-abellana/ photo by STMRP.//