18/05/2020
May inoobserve kami na kakilala na naka Home Quarantine. Halos 7 days na meron syang mga similar Symptoms ng COVID19.
1. Masakit lalamunan.
2. Masakit Katawan.
3. Masakit dibdib.
4. Medjo Frequent na din pagdumi nya.
5. May pagsuka din minsan.
6. Di din makatulog ng maayos sa gabi. 3 hrs tulog lang usually sya sa gabi.
7. Pero di sya nilagnat.
On his 6th day, don ko sila nakausap. Syempre, messenger lang. Now, inadvise ko sila lahat ng info na na Save ko sa internet na pinagsama sama. Lahat galing din sa mga post sa facebook na nabasa ko.
So, ang ginawa nila Nag Home Quarantine muna sila, then nag start na sila ng Program agad.
So 1st Day ng Program nagstart na agad sya on his 6th Day na may Similar Symptoms sya.
And ang Good News, kinabukasan gumaan agad pakiramdam nya. Nung gabi ang sarap na ng tulog nya. Medjo mas guminhawa na dibdib nya. Medjo Nawala na din sakit ng lalamunan nya. On the 2nd Day ng Program tinuloy nya and mas naging ok lalo pakiramdam nya. Meron pang konti, pero kumpara nung 1st 5 days medyo mabigat talaga pakiramdam nya at masakit katawan nya noon, pati ulo at dibdib. Ngayon, ang laki ng gininhawa ng katawan nya. Pero continues pa din program nya today. 🙂 Syanga pala, 1st Day pa lang na Nakaramdam na sya ng Symptoms, naka Isolate na sya mag isa sa Room nya sa 2nd Floor.. Tapos nakahiwalay na lahat ng gamit nya sa pagkain pati mga ginamit nya. Lagi din nagdisinfect nila ang bahay nila.
Nag oobserve pa din kami sa progress nya, and based sa observation namin in 2 days ang laki ng naging improvement nya. Pero, as protocol tatapusin nya ang 14 days Home Quarantine nya sa Room nya. We hope and we have faith na tuloy tuloy na progress nya at pagbalik ng lakas ng katawan nya after the program. 😊🙏 and of course sa tulong ni GOD, gagaling na sya.. 🙂
Sa mga nakakaramdam ng similar symptoms, pwede po naten itry din ito. Lalo na ngayon na medyo crowded na talaga ang mga Hospital Facilities naten and kulang pa din ang mga test kit naten for Covid19. Pero again, kumunsulta pa din sa ating mga Health Professionals. 🙂
10 STEPS NG PROGRAM:
1. PANG MUMOG-
Maligamgam na tubig, lagyan ng konting maiinit na tubig. Tapos lagyan ng asin. Gamitin ito pang mumog every 4 hrs. Pangtulong pang patay ng Virus sa lalamunan.
2. SUOB-
✔️ Magpakulo ng tubig sa kaserola.
✔️ Lagyan ng 3 kutsarang asin.
✔️ Magkulob sa loob ng Kumot at langahapin ng ilong at bibig ang usok galing sa pinakuluang tubig na may asin. Pikit mata, habang ginagawa ito.
✔️ Gawin ito hanggat kaya ng katawan ang init.
✔️ Pagkatapos ay magpunas agad ng tuyong towel ang buong katawan at siguradong papawisan ka ng husto nito at paraan ito ng ating katawan upang maalis ang virus. Magapalit agad ng damit.
✔️ Wag muna mag Aircon at bintilador. Dahil baka biglang ginawin or magbago temperatura ng katawan. Palipasin muna ang ilang oras.
✔️ Pag okey na, Wag na muna mag Aircon. Pwede bintilador pero paikutin.
Gawin ito isang beses isang araw hanggang bumuti ang pakiramdam. Wag muna maliligo after mag suob. Pwedeng maligo, kinabukasan morning bago uli mag suob.
3. INUMIN-
Wag muna iinom ng malamig na tubig at anomang matatamis na pagkain.
At Hanggat maari ay mainit na tubig ang inumin or maligamgam.
Maggawa ng sariling TEA.
Magpakulo ng tubig kasama ng Sliced Lemon, Luya or Turmeric. Inumin ito ng madalas.
4. TAKE IMMUNO C-
Uminom ng Kirei Immuno C, 2 capsules every hour.
Ang Immuno C ay may kasamang Probiotics na nagpapatibay ng resistensta ng ating Tiyan upang labanan din ang bacteria sa loob nito. Upang mas mapalakas ang Immune System ng ating Katawan upang labanan ang Viruses na meron tayo.
Kung walang Kirei Immuno C ay maari naman din gumamit ng ibang Vitamin C.
Uminom ng at least 8 glasses of water.
Or mas higit pa araw araw. Maligamgam or mainit init..
5. PAGKAIN-
Mas makakatulong kung kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas.
Mainam din ang tinolang manok, na may maraming luya.
6. MAGPAHINGA-
Matulog lang ng matulog at magpahinga.. Sapagkat, habang tayo ay natutulog ay doon nag rerepair ang ating katawan upang lumakas ang ating Immune System upang labanan ang ating sakit.
7. WAG MA STRESS-
Isa sa pinakamalaking Factor ng pagkakasakit or paglala nito ay ang STRESS. Iwasan muna magbasa, manood ng mga Bad News sa Social Media. At mag isip ng kung ano ano! 🙂 Keep POSITIVE na gagaling ka na! 😊🙏
8. PRAY-
Pinaka-importante ito! 😊🙏
Manalangin at laging magpasalamat sa AMA.. 🙏
9. BUMUKOD NG KWARTO AT GAMIT-
Hanggat maari ay bumukod agad ng Kwarto at gamit kung nakakaramdam agad ng kahit anomang sintomas ng COVID19 Virus.
10. KUMONSULTA -
Mas mainam pa din ang magpa Konsulta agad sa Doctor kung may nararamdaman na any similar symptoms ng Virus na ito.
Ang programang ito ay pang una lamang na pwedeng gawin kung ikaw ay nakakaramdam ng anomang posibleng sintomas ng Sakit or Virus dala ng COVID19.
Sana po ay makatulong at makabawas sa kahit paano na intindihin naten.. Maraming Salamat po. At mag-iingat po tayong lahat. Please sumunod po tayo sa Government naten.. And Please STAY AT HOME!
May awa po ang Diyos, matatapos din po ito.. 🙏
DISCLAIMER / PAALALA: ☝️
Ang POST na ito ay hindi approve ng any health agency ng Gov’t naten. Di rin po ito nakakasigurado na gagaling or pareho ng resulta ang mangyayari sa atin pag ginawa naten ang program na ito. Until now ay inoobserve pa din namin ang progress nya.
At ina-advise pa din natin na magpatingin sa Doctor, Hospital or any Gov’t Sector na Qualified sa pag determine ng bawat case ng Covid19.
Nag post lamang po kami, na kung sakali ay makaramdam agad ng any similar sign of symptoms ay mas mainam pa din humingi agad ng consulation sa Doctor/Health Professionals . Or sa mga Health Online Survey ng Gov’t natin para mas maka tiyak ng kaligtasan.
Sana po ay makatulong! 🙂