21/03/2025
Napakaimportante na bago tayo gumawa ng anumang plano, una nating ikonsulta ito sa Panginoon. Minsan, sobrang gigil natin abutin ang pangarap natin, pero nakakalimutan nating tanungin si Lord kung ito nga ba ang tamang daan para sa atin.
Laging tandaan, hindi tayo ginawa ng Diyos para lang sa sarili natin kundi para maging pagpapala rin sa iba. Ang puno hindi kinakain ang sarili niyang bunga. Ang ilog, hindi umiinom ng sarili niyang tubig. Ganun din tayo. Ang tagumpay natin ay hindi lang dapat para sa atin, kundi para rin sa iba.
Kasi, kung self-centered ang plano mo, hindi βyan magtatagal.
Kaya bago ka sumabak sa anumang plano, humingi ka muna ng karunungan kay Lord. Alam Niya kung anong nasa puso mo kung ito ba ay para makatulong sa iba o para lang sa sarili mong hangarin.
Sa Kawikaan 16:9 sinabi:
"Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito."
Kaya kahit anong gawin mong plano, kung hindi ito aligned sa will ni Lord, hindi ito magtatagumpay. Pero kapag Siya ang nauna sa lahat ng ginagawa mo, siguradong may tamang direksyon ang bawat hakbang mo. Smooth ang lahat ng lalakaran mo.
Kaya ngayon, bago ka gumawa ng anumang plano, sabihin mo kay Lord:
"Lord, this is what I want to do, but more than anything, I want Your will to be done. Please guide me."
Huwag kang matakot ipaubaya ang plano mo sa Kanya dahil ang plano Niya, laging mas maganda kaysa sa plano mo.
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! ππ½βοΈβ€
Be inspired awakened & motivated.
Follow us for more! π
IG:
YT:
TikTok: