29/10/2025
Hindi po ibig sabihin na kapag may nagsabi sa’yo na baka kailangan mong magpacheck-up sa psychologist o psychiatrist — sinabihan ka na agad ng siraulo.
🧠 Mali pong isipin ‘yon, lalo na kung galing sa taong nagmamalasakit. Ang utak po ay bahagi lang din ng ating katawan — gaya ng puso, baga, o atay. At gaya nila, puwede rin itong mapagod, ma-stress, o magka-problema paminsan-minsan.
💬 Kaya kung nararamdaman mong hirap ka nang makatulog, palaging malungkot, o hindi mo na makontrol ang emosyon — huwag mong ikahiya ang magpatingin. Hindi kahinaan ‘yon.
‘Yan ang unang hakbang sa paggaling. ❤️
🎯 “Ang lakas ng loob, hindi sa pagtiis mag-isa — kundi sa pagtanggap na minsan, kailangan mo rin ng tulong.”
Cto: Sir Eric Quinto