19/01/2026
Ngayong linggo, nakikiisa ang National Council on Disability Affairs (NCDA) sa paggunita ng ika-30 National Autism Consciousness Week (NACW) na gaganapin mula Enero 19–25, 2026, na may temang:
“Mula Kamalayan Tungo sa Gawa: Pag-unlad ng Autism-OK Philippines.”
Layunin ng pagdiriwang na palalimin ang kaalaman ng publiko tungkol sa autism upang matiyak ang mas angkop, maagap, at inklusibong pagtugon sa pangangailangan ng mga taong nasa autism spectrum at kanilang mga pamilya.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga aktibidad at opisyal na materyales ng National Autism Consciousness Week 2026, bisitahin ang link na ito:
👉 https://bit.ly/NACW2026_
_
Sama-sama nating itaguyod ang kamalayan tungo sa makabuluhang aksyon para sa Autism-OK Philippines.