03/03/2026
๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐โ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ
Isinagawa ang Major Health Events Celebration โ Philippine Heart Month noong Pebrero 24, 2026 sa Mโlang Gymnasium bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang kamalayan ng kabataan hinggil sa kalusugan ng puso. Dumalo sa aktibidad ang mga Senior High School at High School students mula sa labing-isang (11) paaralan sa Bayan ng Mโlang, kasama ang kanilang mga g**o. Ang aktibidad ay pinangunahan ng LGU Mโlang sa pakikipagtulungan ng IPHO Cotabato Province, at DOH-CHD
SOCCSKSARGEN Region - Health Promotion and Education Unit. Layunin ng selebrasyon na itaas ang kaalaman tungkol sa cardiovascular diseases at sa mga nababagong risk factors tulad ng paninigarilyo, kakulangan sa pisikal na aktibidad, at hindi malusog na pagkain. Hinihikayat din ang positibong pagbabago sa pamumuhay sa pamamagitan ng regular na ehersisyo, balanseng nutrisyon, at smoke-free behaviors upang maiwasan ang sakit sa puso.
Kabilang sa mga tampok ng programa ang mga lecture at interactive educational booths na nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa ng mga estudyante sa sintomas, pag-iwas, at tamang pangangalaga sa kalusugan ng puso. Nakiisa rin ang mga kabataan sa mga aktibidad na pisikal at pangkaalaman, gayundin sa mga malikhaing patimpalak tulad ng brochure making, chant, at slogan making na nagpalakas sa mensahe ng heart health. Pinalakas pa ang preventibong aspeto sa pamamagitan ng libreng serbisyong pangkalusugan gaya ng nutrition consultation, HGT, dental screening, at PhilPEN assessment.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gov. Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza na ang mga desisyon ay dapat ginagabayan ng isip at hindi lamang ng emosyon, upang mapanatili ang disiplina at makagawa ng matalinong desisyon para sa malusog na puso. Hinikayat naman ni Dr. Eva C. Rabaya, Provincial Health Officer II ang pag-iwas sa processed foods at masasamang bisyo, at binigyang-diin na ang tamang pagkain, ehersisyo, at pagbabago sa lifestyle ay mahalaga at responsibilidad ng buong komunidad.
Samantala, iginiit ni Arjohn C. Gangoso, HEPO III na ang kalusugan ng puso ay sama-samang pananagutan, at ang pag-iwas sa cardiovascular diseases ay nangangailangan ng tuloy-tuloy at pangmatagalang komitment sa health promotion.