23/02/2023
🔷Please check out our new page, thank you 😊
❓❓ANO NGA BA ANG SCIATICA ❓❓
Ang SCIATICA ay isang condition na kung saan ay naiipit ang sciatic nerve sa bandang puwitan o kaya naman ay sa gulogod or spine. Mararamdaman ang SAKIT sa likod hanggang sa puwitan papunta sa likod ng hita. Ang SAKIT ay maaring mild lang sa umpisa hanggang sa sharp o parang may tumutusok at burning sensation na pakiramdam sa kalaunan. Tumitindi din ang SAKIT na nararamdaman kapag umuubo o bumabahing.
🧐Napag alaman na kadalasan na nagkakaroon nito ay mga:
📌 May trabaho na kinakailangan ng pag bubuhat ng mabigat at trabaho ng pagmamaneho ng may katagalan (parehong sa maling postura ginagawa)
📌 Ang pag-upo ng may katagalan o pagkakaroon ng hindi aktibong lifestyle
📌 Taong may DIABETES
📌 Taong may OBESITY
🔥Huwag isawalang bahala ang SCIATICA kung ito ay:
👉 May biglaan na sobrang pananakit ng likod at binti na hindi natatanggal kahit ipahinga
👉 May pamamanhid at panghihina ng apektadong binti
👉 May kakaiba o hindi ma control na pag dumi o pag ihi
👉 Apektado na ang pag tulog
‼️Kapag ito ay napabayaan at hinayaan na lumala, humahantong ito sa tuluyang pagkawala ng pakiramdam o permanenteng pag hina ng apektadong binti. Dahil mahina na ang binti, inaasahan na apektado na ang paglalakad.
👨🔬 Ang GPB Physical Therapy Clinic ay handang tulungan kayo upang maibsan ang inyong SAKIT na nararamdaman. Kung kayo ay interesado at gustong guminhawa, bumisita lamang sa clinic o kaya naman ay magmessage para mag set ng appointment.
🏥 Clinic address:
4th Floor, Unit 404 D & L Bldg 2, Km 5, PICO, LA TRINIDAD BENGUET
(Beside Benguet Central Bank, near Petron Km5 and Public Market)
⏰Clinic Hours
Mon-Sat (9-5pm)
For our contact numbers: Globe: 09952232041/ Smart: 09355091430
📣STRICTLY BY APPOINTMENT
/