29/03/2025
March 26, 2025
Blessing Inauguration & Soft Opening ng Camarines Norte Physical Medicine and Rehabilitation Unit at nang Bagong Out Patient Department sa Labo District Hospital.
Ang dalawang proyekto pong ating pinasinayaan ay bunga ng ating pagpupursige na mabigyang tugon ang mga pangangailangang tulong medikal para sa ating mga kababayan, partikular na ang mga nasa 1st District kung saan malayo ang kanilang binabiyahe para lamang makapagpagamot o magpakunsulta sa Provincial Hospital.
Ang pagbubukas po ng pasilidad na ito, tulad ng Physical Medicine and Rehabilitation Unit, ay nakatuon sa may mga malubhang karamdaman at laloβt higit sa pasyenteng biktima ng stroke at mga trauma cases na layunin ay matulungan ang isang taong maibalik ang dating aktibong pamumuhay mula sa pagkaparalisa ng kanilang katawan.
Ang PM&R Unit po, ay karaniwang may tauhan ng isang multidisciplinary team, kabilang ang:
1. Mga Physiatrist (mga doktor ng PM&R)
2. Mga physical therapist
3. Mga therapist sa trabaho
4. Mga therapist sa pagsasalita
5. Mga nars at Iba pang mga propesyonal sa rehabilitasyon na tutulong sa may malubhang karamdaman sa pangangatawan.
Habang ang pasilidad naman po ng Out Patient Department o (OPD) ay tumutukoy sa seksyon ng isang ospital o pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan kung saan ang mga pasyente ay tumatanggap ng medikal na konsultasyon, paggamot, at mga serbisyo nang hindi ina-admit nang magdamag.
Sa OPD, karaniwang bumibisita ang mga pasyente para sa:
1. Mga regular na check-up
2. Mga konsultasyon sa mga espesyalista
3. Mga pagsusuri sa diagnostic (hal., pagsusuri ng dugo, imaging)
4. Mga maliliit na pamamaraan ng operasyon
5. Paggamot para sa mga malalang sakit o pinsala at iba pang mga libreng serbisyo medikal na ibinibigay ng ating Pamahalaan.
Nagpapasalamat po tayo kay Dr. Jose Vernon Banal dahil sakaniyang pagpupursige at pakikipagtulungan sa ating Pamahalaan upang unti-unting maging maayos ang serbisyong maibibigay ng Labo District Hospital para sa ating mga kababayan.
Asahan po ninyo na hindi kami titigil ni Vice Governor Engr. Joseph Ascutia sa pangangalap ng mga pondo para sa ating mga pagamutan upang mas maayos pa nating mapag silbihan ang ating mga kababayan.
Mabuhay ang Camarines Norte