Cada Dental Clinic

Cada Dental Clinic SERVICES OFFERED:
- Dentures (Pustiso)
- Tooth Filling (Laser - Pasta)
- Prophylaxis (Linis Ng Ngipin)
- Tooth Extraction (Bunot)
- Braces, Retainer

02/09/2025
Visit your dentist every 6 months. 😊
21/03/2018

Visit your dentist every 6 months. 😊

We can RENEW your SMILE.
23/11/2017

We can RENEW your SMILE.

10/10/2017
28/09/2017

Sirang ngipin nagdulot ng sakit sa puso
By: Dr. Willie T. Ong

ALAM ba ninyo na ang sirang ngipin ay puwedeng mag­dulot ng sakit sa puso? Oo, tunay po iyan. Dalawang klaseng sakit sa puso ang puwedeng makuha kapag hindi tayo nagsisipilyo:

1. Impeksyon sa balbula ng puso – Ang tawag sa sakit na ito ay Infective Endocarditis, kung saan pinapasok ng bacteria ang balbula sa puso (heart valve). Delikado po iyan.

2. Bara sa ugat ng puso – Ang tawag dito ay coronary artery disease, kung saan nagbabara ang ugat sa puso. Puwede itong magdulot ng pananakit sa dibdib at heart attack. Ayon sa pagsusuri, ang mga taong may namamagang gilagid (gums) ay puwedeng magkaroon din ng sakit sa puso (heart attack) at stroke. Ito’y dahil ang impeksiyon sa bibig ay puwedeng kumalat sa ating dugo at magdulot ng pagbabago sa ating immune system. Dahil dito, namamaga rin ang ugat sa puso. Matindi talaga ang mga impeksyon sa bibig.

Paano pananatilihing mali­nis ang bibig?

1. Magsipilyo 3 beses sa isang araw. Ang bawat parte ng ngipin ay dapat i-brush ng 10-15 na beses. Magtagal ng 2 minuto sa iyong pagsisi­pilyo. Huwag magmadali.

2. Gumamit ng tongue clea­ner o panlinis ng dila. Ma­ra­ming bacteria ang puwe­deng manatili sa ating dila na nag­dudulot ng bad breath. Ma­tatanggal lang ito sa pa­ma­magitan ng tongue clea­ner.

3. Gumamit ng dental floss araw-araw. Ito iyung sinulid na pinapasok sa pagitan ng ngipin. May kamahalan pero ito lang ang tanging paraan para matanggal ang dumi sa pagitan ng ating ngipin.

Ayon kay Dr. Mehmet Oz, ang expert doctor ni Oprah Winfrey, ang hindi pagsisi­pil­yo ay puwedeng makabawas ng 3 taon sa ating buhay. Mag­sipilyo, mag-tongue clea­ner at mag-floss. Iwas sakit sa puso at iwas bad breath. Good luck po!

Share Share

Address

Villaflores
Labo
4604

Opening Hours

Monday 9am - 12pm
1pm - 5pm
Tuesday 9am - 12pm
1pm - 5pm
Wednesday 9am - 12pm
1pm - 5pm
Thursday 9am - 12pm
1pm - 5pm
Friday 9am - 12pm
1pm - 5pm
Saturday 9am - 12pm
1pm - 5pm

Telephone

09186905400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cada Dental Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category