
24/07/2025
๐ ๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐๐ผ ๐ง๏ธ๐ช July 23, 2025
Upang malaman ang kalagayan ng buong barangayโkasama na ang paaralan at mga pananim sa bukidโnagsagawa ng masusing pagmamanman ang ating Punong Barangay, Merly Kates B..Garcia, bilang paghahanda sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Dante at Bagyong Emong.
Layunin ng gawaing ito na matukoy ang mga posibleng epekto ng mga bagyo at mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan o mabawasan ang masamang epekto nito sa ating komunidad. Isa rin itong paraan upang mapaalalahanan ang mga mamamayan na maging alerto at handa sa anumang sakuna na maaaring idulot ng masamang panahon.
Pinaalalahanan niya ang lahat na maging mapagmatyag at laging updated sa lagay ng panahon. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagiging malusog at laging protektado, lalo na sa panahon ng sakuna.