07/04/2025
๐ง๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐: ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐๐ฉ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ
Sa pagtaas ng kaso ng HIV sa Cordillera Administrative Region (CAR), mas lumalalim ang epekto nito sa kababaihan. Ayon sa datos mula 1984 hanggang December 2024, dumarami ang kababaihang tinatamaan ng HIVโkabilang ang mga may-asawa, ina, at kabataang babae. Ang mga kaso ng HIV sa mga kababaihan ay bumubuo ng 7.15% ng kabuuang bilang ng mga kaso ng HIV sa CAR, kung saan 90 sa 1,259 na kaso ay natukoy na mga babae. Hindi lamang ito usapin ng kalusugan, kundi isang isyung may malalim na ugnayan sa kasarian at lipunan.
Dagdag pa rito, kakaunti ang kababaihang kusang nagpapa-test para sa HIV. Ayon sa isang survey na isinagawa ng Philippine Statistic Authority nuong 2022, halos 93% ng mga kababaihan sa rehiyon ay kailanmay hindi pa sumailalim sa HIV testing. Isa ito sa mga implikasyon ng kanilang natuklasan na mababa ang kamalayan tungkol sa mga estratehiya sa pag-iwas sa HIV, kabilang na ang HIV testing. Ayon sa kanilang survey, 3 lamang sa bawat 10 kababaihan sa CAR ang may sapat na kaalaman sa pagprotekta sa kanilang sarili laban sa HIV-AIDS.
Isa itong resulta ng matinding stigma at diskriminasyon sa komunidad. Bukod dito, ang stigma at diskriminasyon ay lalong nagpapahirap sa mga babaeng may HIVโna nagdudulot ng pag-iwas nila sa pagpapagamot at pagsasabi ng katotohanan.
Ang pagtaas ng kaso ay isang malinaw na senyales na kailangan ng mas inklusibong edukasyon sa sekswalidad, karapatan, at kalusugan. Kung kayat tinitiyak nga National AIDS STI Prevention and Control-Cordillera ay may access ang kababaihan sa tamang impormasyon, proteksyon, at suporta. Sa pamamagitan ng gender-sensitive na mga programa, maaaring mabawasan ang epekto ng HIV at mapalakas ang papel ng kababaihan sa pagharap sa krisis pangkalusugan. Ang laban kontra HIV ay laban din para sa karapatang pantao at pagkakapantay-pantay.
=UstartswithU