07/04/2022
๐๐ซ๐๐ข๐ง ๐๐ง๐๐ฎ๐ซ๐ฒ๐ฌ๐ฆ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก
Contributor: Dr. Kirsten Villalobos
Dahil hangarin natin ang malinaw, totoo, at buong impormasyon tungkol sa kalusugan ng kaisipan (mental health) at lahat ng nauugnay dito, nais ko lang magbahagi ng ilang mga punto.
Ang ANEURYSM ay paglobo ng ugat na dinadaluyan ng dugo. Maraming pwedeng factors na magdulot ng pagkakaroon ng aneurysm. Imagine yung hose ng tubig, kung manipis/mahina yung isang parte nya isama mo ang malakas na pressure ng tubig, pwedeng โlumoboโ ang bahaging iyon. Depende sa tagal na mataas na pressure, or biglang sobrang taas ng pressure, o gaano kahina ang parteng iyon, mahirap masabi kung kailan ito puputok. Ganun din na pwede itong mangyari sa ibaโt ibang parte na may ugat na dinadaluyan ng dugo - kaya ang BRAIN ANEURYSM ay makikita sa ugat sa utak.
Pwede bang may aneurysm ang tao na walang nararamdaman? Pwede po. Parang pag nagpapalobo ka ng plastic balloon, di mo alam kung yung next hipan mo eh puputok na. Clue yung pagnipis ng lobo mo pero dahil nasa loob ng katawan natin yung ugat mahirap makita unless lumaki siya na sapat para maapektuhan ang karatig na mga parte ng katawan natin at magkaron ng manifestations.
Pwede ba itong makita sa bata (i.e. 20+ years old)? Pwede po. Mas madalas makita ang aneurysm sa matatanda dahil nga isa sa mga factor ang matagal na mataas na presyon na hindi nakokontrol, pero pwede rin ito makita sa bata lalo kung may โgenetic predispositionโ sa structure ng ugat (lalo kung may kapamilya rin siyang namatay sa aneurysm, i.e. yung nanay nya).
Pwede bang hindi pumutok ang aneurysm? Pwede po. Bukod sa pagkontrol ng presyon may ibang interventions ang maaaring gawin upang hindi na mas lumaki pa ito at tuluyang pumutok
May kinalaman ba ito sa mental health? Sa tingin kong dahilan bakit sila nauugnay ay:
1. Ang stress at anxiety ay nakakapagpataas ng presyon at isa ang mataas na presyon sa pwedeng MAKADAGDAG sa factors sa pagputok ng aneurysm PERO hindi natin pwede masabi na dahil lamang stress at anxious ang isang tao ay magkakaroon na siya ng aneurysm.
2. Kung minsan ang aneurysm ay nagdudulot ng pagbabago sa ugali, gawi, aksyon, personalidad, at anumang pwedeng i-kontrol ng utak kung ang aneurysm ay may sapat na laki at nasa lugar na may naaapektuhan na siyang bahagi ng utak.
3. Pareho silang masasabing โsilent battlesโ. Madalas natin sabihing lahat ng tao ay may silent battles, tulad sa mental health na may mga pinagdadaanan ang tao na hindi niya ipinapaalam, pero sa aneurysm, madalas, yung tao mismo hindi rin niya alam. May pagkakaiba ang hindi ko alam at hindi ko ipinapaalam.
Isang malawak na usapin ang mental health at naniniwala ako sa kahalagahan na pagusapan kung ano ba talaga ito at ano ang hindi ito. Naniniwala ako sa pagpapalawak ng kamalayan ukol sa usaping ito at sa mga taong may mga mental illness at mental disorder (opo, may pagkakaiba po sila).
Kung may mga katanungan kayo tungkol sa mental health, pag-usapan natin โบ๏ธ