13/08/2020
Lihim Na Pagka'Tao
"depression"
simpleng tao lang ako,
na katulad mo,
na kagaya ng marami pang tao.
may maayos na trabaho,
maayos na pamumuhay,
buo ang miyembro ng pamilya,
may relationship! hehe noon.
masayang namumuhay at nakangiting binabati ang unang sulyap ng sikat ng umaga sa sawabat araw na haharapin,
maraming salamat po Ama
sa panibagong umaga.
ihaharap sa mga tao ang masayahing imahe,
haharapin ang buong maghapong masayat matatag na akala mo'y hindi ma'uubusan ng ligiya sa aking pagkatao.
ayan na! nag aagaw na ang liwanag at dilim hudyat na kelangan ko munang umalis,
sa kung saan maari nilang makita ang pinaka tatago kong pagkatao.
umuwi sa bahay sinalubong ng masayang larawang naka ngiti ang bawat miyembro ng pamilya.
nag bigay galang kay inay at itay,mano po inay mano po itay, pagkara'ay tumango kay kuya, ngumiti kay ate at nakipag kulitan sa mga nakababatang kapatid.
pagkatapos mag hapuna'y nagtungo sa kwarto at natapos ang masayang maghapon ng walang nakaka'alam sa tunay na laban.
tuluyan ng nilamon ng dilim ang liwanag na masayang aking hinarap.
sa isang kisap mata nabalot ng kalungkutan ang buo kong katawan.
na animoy may isang malamig at malungkot na anino sa kasiyahan ko'y umakap.
paulit ulit nalang ba!
na sabawat masayang umaga,
may gabing nag iiba ang aking pakikipag sapalaran at laban.
laban sa sariling imahinasyon,
laban sa kalung-kutan hindi alam ang pinag mulan,
laban na walang sinoman ang nakaka'alam kung kelan magwawakas ang pakikipag sapalaran.
my mga pagkakataon pinili nalang manahimik,
ilayo ang sarili sa iba,
isipin nababaliw ako,
at pagkakataon na wakasan ang buhay sa likod ng masayahin pagka'tao.
pero heto padin ako,
heto parin tayo,
gigising my ngiting pilit,
minsa'y walang katuturan kasiyahan,
at patuloy na lumalaban
na tayo lang ang may alam
sa kanya kanyang laban.
sana'y napansin nyo!mapansing nyong sa likod ng masayang larawan akin binuo ay my minsaheng nilalamon ako ng aking kalung-kutan,
sana'y makita nin'nyo!
makita nyong sa imaheng aking pinakita'y my laban na
hina-hangad ko,nag mamaka'awa at nakiki'usap ako,na i abot nyo ang inyong kamay para ako'y inyong sagipin at hilahin palayo dito sa aking kina-sasadlakan dito sa aking Lihim Na Pagka'Tao.
by:Admin'½note