06/10/2025
“For with God nothing shall be impossible.”
-Luke 1:37
Walang limitasyon ang kayang ibigay ng Diyos. Kaya dapat ang tiwala natin, hindi lang sa sarili nating lakas, kundi sa pagmamahal at plano Niya.
Minsan kasi, sobrang nakatingin tayo sa sarili nating kakayahan. Iniisip natin,
“Kaya ko ba ‘to? Sapat ba ako?”
Pero ang tunay na basehan ng faith ay hindi ang sarili natin, kundi ang Diyos na laging tapat, laging nariyan, at may magandang plano para sa buhay natin.
Kapag si Lord ang nagsabi, hindi mo kailangan mag-alala kung paano ito mangyayari. Hindi mo kailangang isipin ang step-by-step details.
Ang role mo lang ay simple: magtiwala, maniwala, at gawin ang part mo.
Tandaan po natin,
God works beyond your capacity, beyond your resources, beyond your imagination. Ang kailangan lang Niya sa’yo, buo ang tiwala mo.
Sobrang powerful ng Diyos para pagdudahan pa natin Siya. Pero bago dumating ang himala, hahanapin Niya ang iyong faith, yung faith na walang halong duda sa isip, puso, at kaluluwa.
May story sa Matthew 9:27–29 na perfect example nito.
Dalawang bulag ang lumapit kay Jesus. Hindi nila Siya nakikita, pero naniniwala silang kayang pagalingin ni Jesus ang kanilang mga mata.
Tinanong sila ni Jesus:
“Do you believe that I am able to do this?”
At sagot nila: “Yes, Lord.”
Then Jesus said: “According to your faith, let it be done to you.”
At agad silang nakakita!
Ganun kasimple. Kapag buo ang tiwala mo kay Lord, walang imposible.
Kaya tanong ko sa’yo ngayon, Kung sinabi Niya na magtatagumpay ka, maniniwala ka ba? Kung sinabi Niya na may plano Siya para sa’yo, hahawakan mo ba ‘yun nang buong puso?
Do your part, be faithful, trust Him, keep believing. At yung hindi mo kayang kontrolin, si Lord na ang bahala.
Laging tandaan, basta si Lord ang nagsabi, walang impossible. ☝🏼
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! 🙏🏽☝️❤️
Be inspired awakened & motivated.
Follow us for more! 😉
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/