16/11/2025
Mga kaibigan, kung sa tingin ninyo'y nakakabuti ito, ibahagi po natin.
Sa ating bansa, talamak ang korapsyon na siyang sumisira sa mga proyekto—patunay na rito ang mga nagdaang kapalpakan sa Pilipinas. Pedro, Pedro, hangad mo bang mapabilang sa mga taong kinukundena at itinuturo dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan? O baka naman pangarap mong maging miyembro ng 'Kapisanan ng mga Kasuklam-suklam'? Kung nais mong maging tampulan ng kahihiyan, ituloy mo ang pangungurakot—habang lumalaki ang inyong mga suweldo, patuloy namang naghihikahos ang mga maralita. Ngunit tandaan mo, kung ayaw mong maranasan ng iyong pamilya ang matinding kahihiyan, huwag kang magtangkang gumawa ng ilegal. At isa pa, mas nagiging ganid ang isang tao sa paggawa ng masama kung may mga kasabwat siya; kung nag-iisa ka lamang, mawawalan ka ng lakas ng loob upang isakatuparan ito. Para sa mga hindi marunong makuntento, ito ang kahihinatnan ninyo—makuntento naman kayo dahil hindi niyo rin madadala ang inyong kayamanan sa lupa.