City Health Office - Las Piñas

City Health Office - Las Piñas Official Page of Las Piñas City Health Office (LPCHO)
(1)

TULOY-TULOY NA SERBISYO SA PANAHON NG KALAMIDADHindi humihinto ang Lokal na Pamahalaan sa paghahatid ng serbisyong pangk...
24/07/2025

TULOY-TULOY NA SERBISYO SA PANAHON NG KALAMIDAD

Hindi humihinto ang Lokal na Pamahalaan sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ngayong panahon ng kalamidad. Nagpatuloy kaninang umaga ang relief operations sa mga natitirang barangay na naapektuhan ng masamang panahon.

Makakaasa kayong katuwang niyo kami sa bawat hamon – Dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!

Pagpapatuloy ng Serbisyong Pangkalusugan sa Las Piñas!Sa gitna ng hamon, patuloy ang Las Piñas City Health Office, katuw...
24/07/2025

Pagpapatuloy ng Serbisyong Pangkalusugan sa Las Piñas!

Sa gitna ng hamon, patuloy ang Las Piñas City Health Office, katuwang ang Health Emergency Management Staff (HEMS) ng Las Piñas, sa pagtugon sa pangangailangan pangkalusugan ng ating mga residente.

Nagkaroon ng on-site dispensing ng Doxycycline para sa mga evacuee na kasalukuyang nanunuluyan sa mga sumusunod na evacuation centers:
- Verdant Acres Covered Court, Brgy. Pamplona Tres
- Carmencita Covered Court, Brgy. Talon Tres
- Phase 4 Gatchalian Covered Court, Brgy. Manuyo Dos
- Brgy Manuyo Dos (Satellite) Multi-Purpose Hall, Brgy. Manuyo Dos
- Las Piñas Elementary School - Central, Brgy. Elias Aldana
- Manuyo Uno Elementary School, Brgy. Manuyo Uno
- Zapote Elementary School, Brgy. Zapote

Bukod dito, binigyan din ng Doxycycline ang mga residenteng lumusong sa baha upang protektahan sila laban sa leptospirosis. Maaari rin itong makuha sa lahat ng health centers sa lungsod, na patuloy ding nagbibigay ng gamot at iba pang medical supplies.

Sa ilalim ng pamumuno nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Mel Aguilar, nananatiling nakatuon ang ating lokal na pamahalaan upang tiyaking hindi napapabayaan at mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng komunidad.

24/07/2025

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: 𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗨𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚-𝗕𝗔𝗛𝗔

Sa patuloy na pag-ulan at pagbaha, paalala ng Department of Health - Metro Manila Center for Health Development, Huwag maligo, lumusong, o maglaro sa tubig-baha. Bagamat maaaring mukhang mababaw o hindi delikado, ang tubig-baha ay lubhang marumi at posibleng naglalaman ng ihi at dumi ng hayop, basura, langis, kemikal, at iba pang nakalalasong sangkap. Maaari rin itong magtaglay ng matutulis na bagay tulad ng bubog o pako na maaaring makasugat.

Ito ay maaaring magdulot ng malulubhang sakit gaya ng leptospirosis, impeksyon sa balat, tetano mula sa kontaminadong sugat, at mga sakit sa tiyan tulad ng pagtatae at pagsusuka.

Sa mga magulang, huwag hayaang maglaro ang mga bata sa baha dahil sila ang mas madaling kapitan ng impeksyon. Kung hindi maiiwasan, tiyaking may sapat na proteksyon gaya ng bota. Kapag nabasa ng baha ang katawan o ang anumang sugat, agad na maghugas at linisin ito. Kapag nakaramdam ng lagnat, pananakit ng kalamnan, paninilaw ng balat, o anumang kakaibang sintomas matapos malantad sa baha, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital.

Ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa ay dapat laging inuuna. Iwasan ang panganib, umiwas sa tubig-baha.

Mag-ingat dahil bawat buhay mahalaga!

Gabay sa Leptospirosis!Kapag hindi maiwasang lumusong sa baha, uminom ng Doxycycline para makaiwas sa Leptospirosis — is...
24/07/2025

Gabay sa Leptospirosis!

Kapag hindi maiwasang lumusong sa baha, uminom ng Doxycycline para makaiwas sa Leptospirosis — isang seryosong sakit na maaaring makuha sa kontaminadong tubig-baha!

Narito ang tamang gabay:
✅ Walang sugat, isang beses lumusong:
2 capsules Doxycycline (100mg) – Single dose (1 day)
✅ May sugat o nakainom ng tubig baha:
2 capsules Doxycycline (100mg)– Once a day for 3–5 days
✅Madalas lumusong o lumangoy sa baha:
2 capsules Doxycycline (100mg) – Once a week hanggang matapos ang exposure

Inumin ito sa loob ng 24–72 oras matapos ang paglusong sa baha.

PAALALA!
🚫 Bawal ito sa mga buntis at sa mga batang 12 taong gulang pababa.
✅ Maaaring pumunta sa health center para makakuha ng libreng gamot.

Iwas-sakit, iwas-hassle! Maging handa at alisto!

Para sa karagdagang impormasyon, i-like at i-follow ang aming FB page: facebook.com/lpcho

SA GITNA NG MASAMANG PANAHON, TULONG at SERBISYO HATID SA MGA LAS PINERO.Sa patuloy na pagsama ng panahon, pangunahing p...
23/07/2025

SA GITNA NG MASAMANG PANAHON, TULONG at SERBISYO HATID SA MGA LAS PINERO.

Sa patuloy na pagsama ng panahon, pangunahing prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas, sa pangunguna nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Imelda Aguilar, ang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Las Piñero.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod sa mga ahensya ng pambansang gobyerno gaya ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), agad na naihatid ang kinakailangang tulong sa mga evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa Zapote Elementary School.

Personal na bumisita si DOH Secretary Dr. Ted Herbosa sa nasabing evacuation center, kung saan kasalukuyang nananatili ang 133 pamilya o 371 katao na lumikas dulot ng pananalasa ng habagat. Kasama rin sina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Mayor April Aguilar sa pamamahagi ng food packs at relief goods para sa mga evacuees — bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas at may sapat na supply ang mga evacuation centers.

Samantala, ang Health Emergency Management Staff (HEMS) ng Las Piñas ay nagsagawa ng on-site dispensing ng Doxycycline para sa mga evacuees at sa mga residenteng lumusong sa baha. Patuloy rin ang pamamahagi ng naturang gamot at iba pang medical supplies sa mga health centers ng lungsod.

Sa kabila ng hamon ng panahon, nananatiling mabilis at maagap ang pagtugon ng Lokal na Pamahalaan upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng komunidad.

23/07/2025
23/07/2025
ABISO LAS PIÑERO!Suspendido muna ang pagsasagawa ng libreng pagbabakuna kontra pneumonia sa mga Senior Citizens bukas, J...
22/07/2025

ABISO LAS PIÑERO!

Suspendido muna ang pagsasagawa ng libreng pagbabakuna kontra pneumonia sa mga Senior Citizens bukas, July 23, 2025 sa Robinsons Las Piñas dahil sa masamang lagay ng panahon.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga importanteng anunsyo ng City Health Office - Las Piñas para sa bagong schedule.

𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐢𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧? 𝐄𝐱𝐭𝐫𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐞𝐩𝐭𝐨𝐬𝐩𝐢𝐫𝐨𝐬𝐢𝐬 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐢𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧! ☔️🚫🐀P...
22/07/2025

𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐢𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧? 𝐄𝐱𝐭𝐫𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐞𝐩𝐭𝐨𝐬𝐩𝐢𝐫𝐨𝐬𝐢𝐬 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐢𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧! ☔️🚫🐀

Paalala: Madumi ang tubig baha. Hugasan ang katawan ng tubig at sabon pagkaahon. Mayroon pa ring antibiotic prophylaxis (pag-iwas), at libre ang konsulta at reseta sa government health centers.

𝐌𝐚𝐚𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐋𝐞𝐩𝐭𝐨𝐬𝐩𝐢𝐫𝐨𝐬𝐢𝐬!


22/07/2025

𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦! 🌧️⚠️

🟡 𝐘𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥 o 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 na pag-ulan.
𝐁𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧 ang mga ulat at abiso.
🟠 𝐎𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥 o 𝐌𝐚𝐭𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 pag-ulan.
𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐞𝐫𝐭𝐨 sa posibleng pagbaha at paglikas.
🔴 𝐑𝐞𝐝 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥 o 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 na pag-ulan.
𝐋𝐮𝐦𝐢𝐤𝐚𝐬 kung may panganib ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Kapag may bagyo, lumikas kung kinakailangan at ihanda ang GO bag!

𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧! 𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐧𝐚𝐬, 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚!



Simultaneous SBI Lecture – Matagumpay!Sa pamumuno nina City Mayor April Aguilar at Vice Mayor Imelda Aguilar, matagumpay...
21/07/2025

Simultaneous SBI Lecture – Matagumpay!

Sa pamumuno nina City Mayor April Aguilar at Vice Mayor Imelda Aguilar, matagumpay na naisagawa ng Las Piñas City Health Office ang sabay-sabay na school-based immunization lectures sa lahat ng pampublikong paaralan sa Las Piñas City!

Hindi lamang simpleng pagbabahagi ng impormasyon ang isinagawa ng ating masisipag na doktor mula sa mga lokal na health centers, katuwang ang ilang mga doktor mula sa Las Piñas Medical Society; kanilang pinayaman ang kaalaman ng mga magulang, guardians, at mga g**o sa pamamagitan ng mahahalagang impormasyon at sapat na paghahanda para sa nalalapit na immunization activity.

Ipinapakita ng inisyatibong ito ang sama-samang effort ng lungsod na itaguyod ang isang well-informed at mas healthy na komunidad – Dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!


21/07/2025

Simultaneous SBI Lecture – Success!
Educating Today, Protecting Tomorrow.

Under the leadership of City Mayor April Aguilar and Vice Mayor Imelda Aguilar, the Las Piñas City Health Office pulled off a huge success with its simultaneous school-based immunization lectures, reaching all public schools in Las Piñas City!

Our dedicated doctors from local health centers, together with physicians from the Las Piñas Medical Society, did more than just share information—they empowered parents, guardians, and teachers with vital knowledge and essential preparation for the upcoming immunization activity

This initiative highlights the city’s collective effort to promote a well-informed and healthier community – Dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!


Address

Las Piñas

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639776726211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health Office - Las Piñas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share