LPGH & STC Public Health Unit

LPGH & STC Public Health Unit TB-DOTS Clinic and ABTC PhilHealth Accredited

10/10/2025
10/10/2025

‼️ISA SA BAWAT 50 NA PILIPINO ANG MAY PROBLEMA SA PANINGIN‼️

⚠️ Bantayan ang mga senyales tulad ng pamumula, panlalabo, “floaters,” photopsia, matinding pagkasilaw, at paulit-ulit na pananakit ng mata.

🏥 Mayroong PhilHealth packages para sa kalusugan ng mata:
✅ Para sa mga bata 0–15 taong gulang at may visual disabilities: vision assessment, refraction, libreng salamin (hanggang ₱2,500/taon), assistive devices, at ocular prosthesis
✅ Adult & Pediatric Cataract Surgery
✅ Procedure Case Rates para sa iba pang eye surgeries (tulad ng glaucoma at retinal surgery)

👉 Magpatingin ng mata kahit isang beses kada taon. Maagang aksyon ang susi sa mas maliwanag na kinabukasan.

Source: Philippines Eye Disease Study 2018 of Philippine Eye Research Institute




10/10/2025

🚨 AFTERSHOCKS INAASAHAN SA DAVAO ORIENTAL; ALAMIN ANG DAPAT GAWIN 🚨

Magnitude 7.5 na lindol ang yumanig sa Davao Oriental at mga karatig nitong probinsya pasado 9am.

Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibilidad ng mga aftershock na maaaring magdulot ng karagdagang pinsala sa mga gusali at kabahayan.

Paalala ng DOH: Maging alerto at mag-ingat mula sa aftershocks at tsunami dulot ng lindol.

✅Gumamit ng first aid kit kapag may sugat o galos sa katawan
✅Lumayo sa mga sirang gusali, nakalaylay na linya ng kuryente, lupang maaaring gumuho, at dalampasigan.
✅Ihanda ang Go Bag kung sakaling kailanganing lumikas dahil sa aftershocks o paparating na tsunami
✅Bantayan ang anunsyo ng lokal na pamahalaan at ng PHIVOLCS
✅Kapag ligtas na, suriin ang bahay at gamit sa anumang sira, gaya ng bitak o pagtagas

☎️ Bukas ang National Emergency Hotline 911 kung kailangan ng tulong.

Source: PHIVOLCS




07/10/2025

Maybe the goal was never to be unbroken, but to keep shining even through the fractures.


07/10/2025
03/10/2025
01/10/2025

Alam mo ba ang 7 Healthy Habits na makatutulong para maging mas malusog at masigla ang iyong pangangatawan?

Sa PinaSigla Family Health Fair, matutunan at masusubukan mo mismo ang bawat isa!

✅ Move More, Eat Right
✅ Be Clean, Live Sustainably
✅ Get Vaccinated
✅ Don't Smoke and Don’t V**e, Avoid Alcohol, Say No to Drugs
✅ Care for Yourself, Care for Others
✅ Practice Safe S*x
✅ Do No Harm, Put Safety First

Isama na ang buong pamilya, kaibigan, barkada, at sabay-sabay mag-flex ng PinaSiglang kalusugan.

Kita-kits sa:

📍 Burnham Green, Luneta Park
📅 October 4–5

MAGREGISTER NA: https://luma.com/ut0p2ii5





01/10/2025
01/10/2025
01/10/2025

Even if you feel great, some health problems don’t show obvious symptoms. That’s why prenatal tests are so important!

Expect:
📸 Ultrasound – See your baby’s growth!
🩸 Blood & urine tests – Check for infections & anaemia
🔬 Blood pressure & glucose screening – Prevent complications
🤰🏾 Regular baby monitoring – Ensure a safe delivery

Every test is a step toward a healthy pregnancy. Work with your health worker to ensure you get the care you need, when you need it. 💕

01/10/2025

‼️THYROID CANCER, PWEDENG MAGAMOT KUNG MAAGANG NA-DETECT‼️

Halos 90% ang 5-year survival rate ng mga taong na-diagnose ng may thyroid cancer, lalo na kung ito ay nadetect nang maaga.

Ang mga bukol sa leeg at iba pang sintomas ay hindi dapat ipagsawalang-bahala. Magpakonsulta kaagad sa inyong healthcare worker para magabayan sa angkop na gamutan.

May available na financial assistance ang DOH para sa mga pasyenteng may thyroid cancer: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Source: American Cancer Society




30/09/2025

"𝑾𝑰𝑳𝑫" 𝒏𝒂 𝑺𝒊𝒏𝒕𝒐𝒎𝒂𝒔? '𝑾𝒂𝒈 𝑷𝒂𝒍𝒂𝒎𝒑𝒂𝒔𝒊𝒏!

Baka hindi lang simpleng trangkaso 'yan—Baka W.I.L.D. na!
(Waterborne and Foodborne Diseases, Influenza-like Illness, Leptospirosis, at Dengue)

Alamin ang mga sintomas at iwas tips para makaiwas sa mga sakit na dulot ng bacteria at virus. Ito ay ang mga sumusunod: lagnat, pananakit ng ulo at katawan, masakit na lalamunan, panghihina, at sipon.

Upang maiwasan, narito ang dapat tandaan: umiwas sa masisikip na lugar, takpan ang bibig kapag uubo o babahing, magsuot ng face mask, at ugaliin ang paghuhugas ng kamay

Sa panahon ng sakit, ang tamang kaalaman ay proteksyon, dahil sa isang Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!

Address

Las Piñas
1740

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63288730556

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LPGH & STC Public Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category