14/03/2024
👩🏻⚕️I want to answer this publicly dahil baka may iba din na ganito ang iniisip. 😊 And because I have a rule to reserve private messaging for my private patients (I have an automated message saying that if you are not my patient, you may place a comment on any of my posts and I will answer your question - di pa sya nag comment 😅).
👩🏻⚕️ I censored the patient's information because he messaged me in private and I do not want him to be bashed.
📌 "Ayoko kasi magpa check up sa doctor sayang po kasi yung ibabayad na doctors fee 😅"
👩🏻⚕️ Sinend niyo po yan sa page ko, so ano po ang tingin niyo sa akin, patatas? 😆😅🤭
✅ Wala po'ng makakasagot ng tanong tungkol sa symptoms niyo nang walang consultation (see below📌)
✅ I post health-informative content in social media during my free time, in between consultations, duties, and other engagements. I do this for free because this is my advocacy. But I have my private practice where I am paid and compensated accordingly.
✅ Doctors, like any other person who has a job/service provided (eg nurses, lawyers, teachers, janitors, street sweepers, architects, engineers, cooks, clerks, dentists, police officers, drivers, nutritionists, med tech, pharmacists, actors, content creators, singers, nail technicians, barbers, list all here..) are given just and fair compensation para sa services na binibigay. Pinaghirapan natin ito lahat - we invest time, money, effort into perfecting our craft for honest living. The only reason why we should do anything for free is if we choose to do it for free.
Importante ang pera, it pays bills, sends our kids to school, pays for our necessities. That's why we work hard to earn it.
Kung gusto po ng libreng consultation, there are public/government hospitals, clinics, at health centers.
✅ Gusto ko lang rin sana malaman bakit nya iniisip na sayang ang bayad nya kapag nag-paconsult siya sa doctor.
Baka may hindi siya magandang experience?
Baka tight ang finances at hindi niya priority?
👩🏻⚕️ Whatever the reason is, I hope it gets resolved at sana magpacheck up siya. His blood pressure is high at kailangan ng consultation sa doctor for proper diagnosis and management. Mas mahal po ang gagastusin kapag lumala ang sakit.
-
📌 Sa pagtatanong po ng gamot nang walang kumpletong consultation sa doctor:
✅ Hindi namin alam kung tama nga ang iniisip niyong sakit o karamdaman na meron kayo sa simpleng sabi niyo lang ng isang sintomas sa message/comments. Sinasabi niyo masakit ang dibdib kala niyo sa puso, yun pala ay hyperacidity - eh magka-iba ang gamot dyan.
✅ Baka mas makasama kesa makabuti kung sasagutin namin ang tanong na yan nang walang kaalam-alam sa estado ng pasyente at nang hindi namin na-konsulta.
✅ Ang pag-reseta sa gamot ay individualized o natatangi para sa particular na pasyente. Nakadepende sa maraming factors at hindi ito basta-basta. Kailangang ng masinsinang usap sa pasyente para malaman ang maraming bagay tulad ng:
● Edad
● Kasarian
● Disposition noong oras ng konsulta
● Vital signs
● Uri ng sakit o karamdaman
● Iba pang sintomas
● Mga dati nang nainom na gamot
● Mga iniinom na gamot sa kasalukuyan
● Comorbidities o ibang sakit
● Allergies
● Physical examination
● Presyo ng gamot at kakayahan ng pasyente na bilin ito
● Availability ng gamot
✅ Management and treatment also consist of a lot of parameters:
● Pharmacological (gamot)
● Non-pharmacological (diet, exercise, mindfulness, stress management at marami pang iba)
● Family-focused care
● Community-oriented care
✅ Hindi po kami makakapag decide ng management for you sa mga parameters na ito kung hindi namin kayo ikokonsulta.
✅ Hindi po YES/NO o simpleng 'ito gawin mo' ang sagot sa tanong na "ano po magandang pangpababa ng dugo".
✅ Kaya kapag tatanungin niyo ko ng "Doc, ano'ng maganda gamot sa ______" ang sasabihin ko lang po sa inyo ay "magpacheck up kayo" dahil iyon ang pinaka maganda niyong step na magagawa para sa nararamdaman niyo.
✅ Madami din po ako'ng nakikita sa mga support groups na nagppost ng question nila at mga hindi doctor ang sumasagot. Delikado po ito.
✅ Kaya mas makakabuti kung magpapacheck-up kayo kesa magdepende sa pag-tatanong online nang walang check-up o sa hindi naman Board-Certfied Doctor.
✅ Sumasagot po ako ng tanong kung tama at nararapat ang pagtatanong kasi gusto ko'ng matutuo tayong lahat nang ligtas. :)
❤️ Doc Krysten