12/04/2024
SI PEDRO AT ANG BAHA
Ibinalita sa Radyo na magkakaroon nang matinding pagbaha sa Lugar kung saan nakatira si Pedro. Mangyayari na ito bukas.
At dumating Ang araw na iyon. Dali daling nagsilikas Ang mga residente sa Lugar nila Pedro ngunit nanatili parin si Pedro sa kanyang bahay. Bumaha na. Nasa dibdib na Ang Tubig sa loob ng tahanan ni Pedro nang may tumawag sa kanya sa labas ng bahay.
Rescuers: Pedro! Tara na't lumikas. Isasalba ka namin!
Pedro: Hindi Ako aalis. Ililigtas Ako ng ating Diyos!
Hindi napilit ng mga Rescuers si Pedro. Kasa umalis na lang sila.
Nasa alulod na ng bubong ni Pedro Ang BAHA kaya napilitang umakyat si Pedro sa taas ng Bubong. May dumating na Helicopter Rescue.
Helicopter Rescuer: Pedro! Sumampa ka na sa hagdan na lubid! Ililigtas ka namin!
Pedro: Hindi Ako aalis! Ililigtas Ako ng Diyos!
At tuluyan nang nilamon ng baha Ang bahay ni Pedro. Sa kasamang palad. Namatay si Pedro.
Pagmulat ng kanyang mga mata ay Nakita Niya si God. Nasa langit na pala Siya! Tinanong ni Pedro si God.
Pedro: Oh Diyos ko! Bakit Hindi mo Ako niligtas?!
Diyos: Nililigtas kita pero ayaw mo...
Pedro: Ha? Paano po?
Diyos: Una, ipinakalat ko Ang Balita na may mangyayaring baha sa inyong Lugar. Pangalawa, nagpadala Ako ng Bangka na may mga Rescuers para iligtas ka pero Hindi ka sumama. Pangatlo, nagpadala Ako ng Helicopter para mailigtas ka...
Lesson:
Madalas Tayo manalangin ng mga bagay na nais natin. Tulad ng magandang bahay, Sasakyan, kayamanan, atbp. Pero takot tayong sumubok na Kunin Ang oportunidad na nasa harap natin. Lagi tayong binibigyan ng pagkakataon ng Diyos. Pero hindi natin sinusubukan na Kunin Ang pagkakataon dahil takot tayong sumubok. Hiling Tayo ng hiling pero Wala tayong ginagawa.
Remember:
If you are given an opportunity but you don't know what it is. Just accept it! And then learn how to do it later ~ Richard Branson