24/03/2026
Isang matagumpay na araw para sa
kalusugan ng kababaihan!
Ngayong araw, marami ang nabigyan ng
libreng serbisyo tulad ng check-up, Pap smear, at family planning sa Ospital ng Cabuyao na isinagawa bilang pagdiriwang ng Women's Month.
Lubos ang aming pagpapasalamat sa lahat ng naging parte at sa Chairman ng Obstetrics and Gynecology Department, Dr. Leizel Coching at Dr. Nestle Silveri sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon na naging susi sa tagumpay ng ating programa 🌸