20/10/2020
👍
Pagtatae sa Bata at Baby
Payo ni Doc Willie Ong
Delikado ang pagtatae sa bata at baby. Marami namamatay sa dehydration dahil sa pagtatae. Sundin itong mga payo:
1. Kung ang iyong anak ay mayroong impeksyon sa bituka, ang pinaka-importanteng gawin ay palitan ang mga nawalang fluids at asin sa katawan.
2. Tulungan ang iyong anak na uminom ng Oral Rehydrating Solution o ORS. Hayaan ang tiyan ng inyong anak na makapahinga ng 15 hanggang 20 minutos pagtapos mangyari ang pagsusuka o pagta-tae at bigyan ng kaunting likido. Mas mabuti kung oral rehydration solution ang gagamitin gaya ng Pedialyte o Hydrite. Sa mga bata ng may gastroenteritis, ang tubig ay hindi nasisipsip mabuti. Kung pinade-dede sa bote, ibigay ang oral rehydration solution o ang kanyang regular na formula.
3. Ibalik ang normal na pagkain ng dahan-dahan. Paunti-unting bigyan ng madaling matunaw na mga pagkain gaya ng kanin, crackers, gelatin at saging.
4. Iwasan ang mga mamantikang pagkain, matatamis gaya ng candy at soda, dahil maaari itong magpalala ng pagtatae.
5. Siguruhin na bata ay may sapat na pahinga.
6. Iwasan bigyan ng mga over-the-counter na anti-diarrhea na gamot gaya ng Imodium maliban kung ipinayo ng doktor. Minsan, mas tumatagal ang virus sa katawan.
Kumonsulta agad sa doktor kung:
1. May mataas na lagnat.
2. Kung makitang matamlay o iritable.
3. Kung nakikitang sobrang nasasaktan.
4. Kung may kasamang dugo ang dumi.
5. Makitang dehydrated at ayaw na uminom.