
22/09/2025
๐๐ฅ๐๐๐ฒ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐๐๐ข๐๐, ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐๐๐จ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐๐ซ ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ ๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ข๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐ก๐๐๐ฅ๐ญ๐ก
(Legazpi City, September 22, 2025) Suportado ng Albay Provincial Health Office (APHO) ang patuloy na pagpapaigting sa mga peer support groups para isulong ang mental health at maiwasan ang kaso ng su***de.
Ito ay sa pamamagitan ng ibinahaging impormasyon ng APHO mula sa Department of Health (DOH) hinggil sa pag-suporta sa mga youth-led support group para sa mental health campaign.
Ayon sa DOH, sa pamamagitan ng peer groups ay nagkakaroon ang kabataan ng mas ligtas na plataporma para ihayag ang kanilang damdamin.
Kaugnay ng nabanggit, nagbigay rin ito ng ilang hakbang para maiwasan ang kaso ng su***de, isa na rito ang pakikinig sa mga mga kaibigan o kamag-anak.
Inirekomenda naman ng ahensya na kung sakaling may makikitang sensyales ng depresyon ay agad itong hikayatin na komunsulta sa mental health counselor para sa agarang tulong.
EDumlao, Albay PIO