
05/07/2025
Kagat o Kalmot ng a*o at pusa wag babalewalain! MAgpabakuna agad❗️❗️❗️
Pumalo sa 24,914 animal bite cases ang naitala sa rehiyon ng Bicol sa unang dalawang quarter ngayong taon, ayon kay Dr. Xavier Vallejo, Medical Officer III at Regional Program Manager ng National Rabies Prevention and Control Program ng Department of Health (DOH) Bicol, sa isinagawang press conference, nitong Hulyo 3.
Base sa datos ng ahensya, nanguna ang probinsya ng Camarines Sur sa may pinakamataas na ka*o na may 8,525, sumunod ang Camarines Norte na may 5,105; Sorsogon, 4,970; Masbate, 2,812; Catanduanes, 2,203 at ang Albay na may pinakamababang bilang ng animal bite cases na may 1,299.
Kinumpirma rin ni Vallejo na tatlong hinihinalaang ka*o ng human rabies ang naiulat sa rehiyon ngayong taon.