15/10/2025
๐๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ฑ-๐ซ๐๐ฒ ๐ฌ๐๐ซ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ , ๐ฆ๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ฐ๐๐ง๐ข ๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐ข๐ญ๐จ๐ฅ๐ฒ๐จ
(Legazpi City, October 15, 2025) Matagumpay na isinagawa ang libreng x-ray screening para sa mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Albay bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kalusugan.
Ito'y sa pangunguna ng Philippine Tuberculosis Society, Inc. (PTBSI), sa pakikipagtulungan sa Albay Provincial Health Office (APHO).
Layunin ng programa na matiyak ang kalusugan ng mga kawani ng pamahalaan sa pamamagitan ng early detection ng tuberculosis (TB) at iba pang posibleng sakit sa baga.
Ayon kay Ma. Miccah Ruth Jaeneille C. Antivola, Staff Nurse ng Philippine Tuberculosis Society, Inc. (PTBSI), bahagi ito ng mas malawak na adbokasiya laban sa TB, na isa sa mga nangungunang isyung pangkalusugan sa bansa.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang PTBSI sa pakikipag-tulungan ng kapitolyo para sa naturang gawain at sinabing malaking tulong ito upang mapanatili ang kalusugan ng mga empleyado habang patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa publiko.
"We would like to express our heartfelt thanks to the Provincial Health Office and to the Office of the Governor, for allowing us to conduct a free chest x-ray screening for all of their employees, this initiative greatly supports our mission to promote early detection and prevention of tuberculosis in workplace," dagdag pa nito.
DRaquion, Albay PIO