
21/07/2025
🫖 Muskape Reflections
"Kapag punô na ng gawain ang puso, nakakalimutan natin kung para kanino ba talaga lahat ng ito."
Sobrang dami nating ginagawa—
gawain sa bahay, trabaho, deadlines, pag-aasikaso sa pamilya, pati sa simbahan.
Parang araw-araw tayong si Martha: pagod, laging nagmamadali, at halos wala nang time makinig.
Pero si Jesus, hindi naman galit.
Gusto lang Niya tayong anyayahan—tahimik na umupo, makinig, at makapiling Siya, gaya ni Maria.
Hindi kailangan matapos lahat ngayon. Hindi mo kailangang solohin lahat.
Minsan, pahinga rin ang kailangan para maalala kung sino ba ang dahilan ng lahat ng ginagawa natin.
☕ Slow and sacred Mondays are holy too.
🙏🕊