BUCM TeleMed Access

BUCM TeleMed Access Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BUCM TeleMed Access, Medical and health, Bicol University College of Medicine, Legazpi.

An academic-led, ICT-driven healthcare initiative addressing strategic responses to current disasters, extending to health rehabilitation and recovery, and including a series of actions on health prevention, mitigation, and preparedness.

National Epilepsy Awareness Week (1st Week) “ONE for Juan: One Nation for Epilepsy.”Ang National Epilepsy Awareness Week...
03/09/2025

National Epilepsy Awareness Week (1st Week) “ONE for Juan: One Nation for Epilepsy.”

Ang National Epilepsy Awareness Week sa Pilipinas ay ginugunita tuwing unang linggo ng Setyembre bawat taon, batay sa Proklamasyon Blg. 230 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ang inisyatibong ito, na pinangungunahan ng Philippine League Against Epilepsy (PLAE), ay naglalayong itaas ang antas ng kaalaman ng publiko at mga propesyonal tungkol sa epilepsy, palalimin ang pag-unawa sa sakit na ito na may kinalaman sa utak, at bigyang-pansin ang mga pangangailangan ng mga taong may epilepsy—upang mabawasan ang stigma at mapabuti ang kanilang akses sa angkop na gamutan.

Ang epilepsy ay isang kondisyon na nailalarawan sa pamamagitan ng paulit-ulit na seizure o kombulsyon, na dulot ng abnormal na aktibidad ng kuryente sa mga selula ng utak. Ang mga seizure ay maaaring magkaiba-iba sa tagal, tindi, at dalas, depende kung saan ito nagsisimula sa utak at kung gaano ito kumakalat. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang pagbabago sa pandama (tulad ng paningin, pandinig, o panlasa), kawalan ng kontrol sa pag-ihi, pagkakagat ng dila, pinsala, pagkalito, pagkapagod, panghihina, pagkawala ng malay, at biglaang hindi makontrol na galaw ng mga braso, binti, o buong katawan.

Marami sa mga pinagmumulan ng epilepsy ay maaaring maiwasan at magamot. Ang mga makabagong gamot laban sa epilepsy (antiepileptic drugs) ay parehong epektibo at abot-kaya, at hanggang 70% ng mga pasyente ay maaaring ganap na makontrol ang kanilang mga seizure sa pamamagitan ng tamang gamutan.

Sa paggunita ng World Epilepsy Day, binibigyang pansin ng World Health Organization (WHO) ang epilepsy—isa sa mga pinaka-karaniwang sakit sa utak—na maaaring makaapekto sa sinuman, anuman ang edad, saan mang panig ng mundo.
Tinatayang 4.7 milyong tao na may epilepsy ang naninirahan sa Rehiyong Silangang Mediterranean, kung saan ito ay kabilang sa tatlong pinaka-karaniwang kondisyong neurological na natutukoy sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa 20 sa 22 bansa at teritoryo ng rehiyon. Sa kabila ng pagiging laganap nito, nananatili ang malalaking hadlang sa pagkakaroon ng wastong pangangalaga at pag-unawa—lalo na sa mga bansang mababa at katamtaman ang kita, at sa mga lugar na may emerhensya o kaguluhan.

Gayunpaman, ang stigma o pagmamaliit ay nananatiling isang malaking hadlang para sa mga taong may epilepsy. Sa maraming lipunan, patuloy silang nakararanas ng diskriminasyon, panlipunang pag-iwas, at paglabag sa karapatang pantao. Madalas silang pinagkakaitan ng pagkakataong makapag-aral at makapagtrabaho, na sumisira sa kanilang dignidad at nagpapalala sa emosyonal, pisikal, at sikolohikal na epekto ng sakit. Lalong nanganganib ang mga kababaihan at batang babae, na kadalasang nakararanas ng karagdagang diskriminasyon at karahasang batay sa kasarian.

Sa Rehiyong Silangang Mediterranean, ang epilepsy ay madalas na hindi agad nadidiyagnos, at ang gamutan ay kadalasang kulang o hindi sapat. Nahaharap ang mga bata sa matinding hamon sa pag-access ng pangangalaga, at marami sa kanila ang hindi nakakapag-aral dahil sa stigma sa kanilang kondisyon. Lalong lumalala ang kalagayan sa mga bansang nasa krisis o digmaan, kung saan ang kakulangan sa mga mapagkukunan at serbisyong pangkalusugan ay labis na nakaaapekto sa mga bulnerableng grupo, lalo na sa mga batang may epilepsy.

Layunin ng pagdiriwang na ito na mapaigting ang kaalaman ng publiko hinggil sa epilepsy—kabilang ang mga sanhi, sintomas, at ang kahalagahan ng maagang pagsusuri at tamang paggamot. Isa rin itong pagsisikap upang labanan ang stigma at maling paniniwala na kaakibat ng naturang kondisyon, at maisulong ang mas inklusibo, maunawain, at sumusuportang lipunan para sa mga taong may epilepsy.

Dagdag Kaalaman:
Mahahalagang Paalala: Paano Magbigay ng Unang Tulong sa Epilepsy Attack
Maaaring maranasan ng kahit sino ang pagkakaroon ng kombulsyon, kahit saan at anumang oras. Ang ganitong pangyayari ay kadalasang nagdudulot ng kaba o pag-aalala sa mga nakakasaksi nito. Subalit, ang pagkakaroon ng tamang kaalaman tungkol sa epilepsy, mga palatandaan ng pag-atake, at ang wastong first aid sa epilepsy—lalo na kapag nasa bahay—ay makatutulong upang malaman mo kung paano maagapan at matulungan ang taong dumaranas nito. Iba’t ibang uri ng kombulsyon ang nangangailangan ng angkop na uri ng first aid. Maaari kang magsanay ng mga first aid para sa epilepsy sa bahay upang maging handa kang tumulong kapag mayroong taong inaatake ng ganitong kondisyon.
Tonic-Clonic Seizure: Kabilang dito ang paninigas ng katawan, panginginig, at pagkawala ng malay. Dapat manatiling kalmado, siguraduhing ligtas ang tao, ilagay ang malambot na bagay sa ilalim ng ulo kung nasa sahig, itagilid ang ulo para di bumara ang hininga, at manatili hanggang matapos ang seizure.
Focal Seizure: Nagdudulot ito ng pagbabago sa pandama, kilos, o pag-iisip. Tulungan ang tao na makalayo sa panganib, itanong kung ayos na siya pagkatapos ng seizure, at manatili sa kanyang tabi hanggang siya ay gumaling.
Mga Hindi Dapat Gawin:
Huwag pigilan ang panginginig o ihiga ang tao.
Huwag maglagay ng kahit ano sa bibig.
Huwag magbigay ng tubig o gamot habang may seizure.
Huwag magsagawa ng CPR.
Tumawag ng Emergency kung:
Tumagal ng higit limang minuto ang seizure.
Nagsimula ang pangalawang seizure.
Hindi bumalik sa malay ang tao.
Madalas ang seizure episodes.
May pinsala o cyanosis.
Buntis ang taong nag-seizure.
Ito ang unang seizure.
Hindi sigurado sa gagawin.

Mga Sanggunian:
Administrator. (n.d.). World Epilepsy Day 2025 – a call for improved access to care in the Eastern Mediterranean Region. World Health Organization - Regional Office for the Eastern Mediterranean. https://www.emro.who.int/media/news/world-epilepsy-day-2025-a-call-for-improved-access-to-care-in-the-eastern-mediterranean-region.html
De Guzman, D. (2022, September 11). Tandaan: First Aid Tips para sa Inaatake ng Epilepsy. Hello Doctor. https://hellodoctor.com.ph/fil/brain-nervous-system-fil/tandaan-first-aid-tips-para-sa-inaatake-ng-epilepsy/
Unit, B. I. (2025, January 28). Health programs. Bicol MedicalCenter. https://bmc.doh.gov.ph/health programs #:~:text=NATIONAL%20EPILEPSY%20AWARENESS%20WEEK,for%20those%20living%20with%20epilepsy.

𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀: 𝗕𝗿𝗶𝗱𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗗𝗲𝗹𝗶𝘃𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵

𝐔𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐔𝐬𝐨𝐤 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐎𝐤𝐚𝐲 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬! Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ang 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗟𝘂𝗻𝗴 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 upang hikayatin ang lahat na ...
28/08/2025

𝐔𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐔𝐬𝐨𝐤 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐎𝐤𝐚𝐲 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬!

Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ang 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗟𝘂𝗻𝗴 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 upang hikayatin ang lahat na maging aktibo sa pagpapanatili ng malusog na katawan at umiwas sa mga karamdaman sa baga sa pamamagitan ng pag-iwas at paghinto sa paninigarilyo. Kasabay nito, kinikilala ang 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗧𝘂𝗯𝗲𝗿𝗰𝘂𝗹𝗼𝘀𝗶𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 upang magbigay ng tugon, paalala, at pag-iwas sa paglaganap ng sakit na tuberculosis. Ang kampanyang ito ay nakatutok at itinataas ang kamalayan patungkol sa sakit na ito at hikayatin ang mga tao na kumilos laban dito.

Ang mga talamak na sakit sa paghinga (Chronic Respiratory Diseases o CRDs) ay nakaaapekto sa mga daanan ng hangin at iba pang bahagi ng baga. Ilan sa mga pinakakaraniwan ay ang chronic obstructive pulmonary disease (COPD), hika (asthma), mga sakit sa baga na dulot ng trabaho, at pulmonary hypertension. Bukod sa usok ng sigarilyo, kabilang sa mga salik na panganib ang polusyon sa hangin, mga kemikal at alikabok sa lugar ng trabaho, at madalas na impeksyon ng baga sa kabataan.

Ang Global Alliance against CRDs (GARD) ng World Health Organization (WHO) ay may layuning“𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙪𝙣𝙙𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙪𝙢𝙞𝙝𝙞𝙣𝙜𝙖.” Tinututukan ng GARD ang pangangailangan ng mga taong may CRDs sa mga bansang may mababa at gitnang kita.
Layunin ng WHO Chronic Respiratory Diseases Programme na tulungan ang mga Miyembrong Estado sa kanilang pagsisikap na pababaain ang bilang ng mga nagkakasakit, nagkakaroon ng kapansanan, at napaaga ang pagkamatay na may kaugnayan sa mga talamak na sakit sa paghinga, lalo na sa hika at COPD.

𝗗𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻:

Sa ikalawang pagkakataon, muling sumubok ang lalawigan ng Albay na makapasok sa Guinness World Records sa pamamagitan ng pagbuo ng pinakamalaking human formation ng simbolong “no smoking” na umabot sa 13,892 na kalahok noong Hunyo 28, 2013. Ito ay isinakatuparan bilang bahagi ng kampanya para itaas ang kamalayan sa masamang epekto ng paninigarilyo at upang hikayatin ang pagkakaroon ng mga lugar na walang usok ng sigarilyo.

Sa naturang okasyon, nilagdaan ni dating Albay Governor Joey Salceda ang implementing rules and regulations (IRR) ng anti-smoking ordinance ng lalawigan. Ipinahayag niya ang pag-asa na sa pamamagitan ng paglikha ng pinakamalaking simbolo ng “no smoking” sa mundo, mahikayat ang iba pang mga rehiyon at bansa na magkaisa tungo sa isang mundong walang usok para sa susunod na henerasyon.

Ayon sa mga opisyal, ang pagbaba ng bilang ng mga naninigarilyo ng 30% ay maaaring magtipid sa Albay ng humigit-kumulang ₱177 milyon kada taon sa mga gastusing pangkalusugan.

𝗠𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻:
[1] Dematera, C. a. C. (2013, June 29). Albay forms largest ‘no smoking’ sign in Guinness try. Philstar.com. https://www.philstar.com/news-commentary/2013/06/29/959575/albay-forms-largest-no-smoking-sign-guinness-try
[2] EasyDNA PH. (2020, August 2). National Lung Month raises awareness about lung disease - EasyDNA Philippines | EasyDNA PH. EasyDNA PH |. https://easydna.ph/inhale-exhale-national-lung-month-raises-awareness-about-lung-disease/
NATIONAL LUNG MONTH | Benguet Laboratories. (n.d.). https://benguetlaboratories.com/events/national-lung-month/
[3]World Health Organization: WHO. (2019, July 15). Chronic respiratory diseases. https://www.who.int/health-topics/chronic-respiratory-diseases =tab_1

"𝘼𝙡𝙖𝙜𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙩𝙖, 𝙆𝙖𝙡𝙪𝙨𝙪𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙖𝙮 𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖”. Ang temang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng tamang pangan...
08/08/2025

"𝘼𝙡𝙖𝙜𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙩𝙖, 𝙆𝙖𝙡𝙪𝙨𝙪𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙖𝙮 𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖”. Ang temang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng tamang pangangalaga sa mata at naglalayong ipabatid sa publiko ang mga paraan upang maibalik ang malınaw at malusog na paningin. Ngayong Agosto 2025, ipagdiriwang ang 𝐒𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐒𝐚𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟓—isang taunang selebrasyon na nagsusulong ng kamalayan tungkol sa kalusugan ng mata.

Sa pamamagitan ng paghikayat sa wastong mga hakbang para sa pag-iwas sa pagkabulag at pagsuporta sa mga programang tumutugon sa mga suliranin sa paningin, mapapalalim ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa pagpapanatili ng malinaw na paningin. Isa rin itong pagkakataon upang isulong ang kahalagahan ng maagap na pagsusuri at maagap na pag-iingat laban sa mga sakit sa mata.

Simula pa noong 1980, ang adbokasiyang ilinunsod ay nagsilbing daan upang palaganapin ang kaalaman ukol sa donasyon ng organ, tamang pag-aalaga sa mata, at mga makabagong solusyon sa pagpapanumbalik ng paningin. Sa panahon ng kampanya, iba’t ibang ahensya at mga propesyonal gaya ng mga optometrist, ophthalmologist, at mga samahang pangkalusugan ang nagsasama-sama upang maglunsad ng mga libreng eye screening, information drive, at pagtataguyod ng mga polisiya para sa mas mahusay na serbisyong pangmata.

Malaki ang papel ng nutrisyon sa pagpapanatili ng malusog na mata at malinaw na paningin. Hindi sapat ang basta masaganang pagkain—dapat alam natin kung alin ang may tamang sustansya. Ilan sa mga pagkaing mayaman sa Vitamin A ay ang mga madahong gulay na kulay berde gaya ng spinach, malunggay, kangkong, saluyot, at pechay; mga gulay na makukulay gaya ng kalabasa, karot, kamote, at kamatis; at mga pagkaing-dagat tulad ng isda, tulya, at tahong. Isama rin sa inyong regular na pagkain ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C tulad ng orange, calamansi, at iba pang citrus fruits, at ang mga pagkaing mayaman sa Omega-3 fatty acids na matatagpuan sa mga oily fish gaya ng tuna, salmon, at mackerel.

Araw-araw tayong pinaglilingkuran ng ating mga mata—karapat-dapat lang silang alagaan. Sa pagsasama ng mga pagkaing mabuti sa paningin, hindi lang natin pinapasaya ang ating panlasa—pinoprotektahan din natin ang ating paningin sa paglipas ng panahon.

Mga Sanggunian:
[1] Booth, S. (2024, December 4). How to keep your eyes healthy. WebMD. https://www.webmd.com/eye-health/good-eyesight #1
[2] CMS, O. (n.d.). Tamang Pag-aalaga sa Mata | RiteMED. https://ritemed.com.ph/eye-care/tamang-pag-aalaga-sa-mata
[3] How vision changes as you age. (n.d.). https://www.allaboutvision.com/over60/vision-changes.htm
[4] Nutrition Basics | Livestrong.com. (n.d.). https://www.livestrong.com/article/468566-what-foods-should-you-eat-to...

𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀: 𝗕𝗿𝗶𝗱𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗗𝗲𝗹𝗶𝘃𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵



6 Tips for Eye Health and Maintaining Good Eyesight

𝓐𝓷𝓰 𝓹𝓲𝓷𝓪𝓴𝓪𝓶𝓪𝓼𝓾𝓼𝓽𝓪𝓷𝓼𝔂𝓪𝓷𝓰 𝓰𝓪𝓽𝓪𝓼 𝓪𝔂 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓰𝓪𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓼𝓪 𝓽𝓲𝓷𝓭𝓪𝓱𝓪𝓷 𝓴𝓾𝓷𝓭𝓲 𝓰𝓪𝓵𝓲𝓷𝓰 '𝔂𝓪𝓷 𝓴𝓪𝔂 𝓷𝓪𝓷𝓪𝔂 — 𝔀𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓭𝓾𝓭𝓪!Ang 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝟭,𝟬𝟬𝟬 𝗮𝗿𝗮𝘄...
01/08/2025

𝓐𝓷𝓰 𝓹𝓲𝓷𝓪𝓴𝓪𝓶𝓪𝓼𝓾𝓼𝓽𝓪𝓷𝓼𝔂𝓪𝓷𝓰 𝓰𝓪𝓽𝓪𝓼 𝓪𝔂 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓰𝓪𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓼𝓪 𝓽𝓲𝓷𝓭𝓪𝓱𝓪𝓷 𝓴𝓾𝓷𝓭𝓲 𝓰𝓪𝓵𝓲𝓷𝓰 '𝔂𝓪𝓷 𝓴𝓪𝔂 𝓷𝓪𝓷𝓪𝔂 — 𝔀𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓭𝓾𝓭𝓪!

Ang 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝟭,𝟬𝟬𝟬 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆—mula sa pagbubuntis ng isang babae hanggang sa ikalawang kaarawan ng kanyang anak (24 months)—ay isang napakahalagang yugto kung kailan naitatatag ang pundasyon para sa pinakamainam na kalusugan at pag-unlad ng lumalaking bata. Ang tamang nutrisyon at pangangalaga sa loob ng panahong ito ay napakaimportante dahil ang kakulangan nito ay maaaring magdulot ng pangmatagalang suliraning pangkalusugan at makaapekto sa kakayahang lumaki, matuto, at umunlad ng bata.

Noong 𝟮𝟬𝟮𝟮, tinatayang higit kumulang 𝟭𝟰𝟵 𝗺𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗻𝗱𝗼 na wala pang limang taong gulang ang bansot (masyadong mababa ang taas para sa edad), 𝟒𝟓 𝐦𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧 ang payat (masyadong mababa ang timbang para sa taas), at 𝟑𝟕 𝐦𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧 naman ang sobra sa timbang o obese.

𝗔𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗸𝘂𝗸𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗲𝗻𝗲𝗿𝗵𝗶𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝘀𝘂𝘀𝘁𝗮𝗻𝘀𝘆𝗮 para sa mga batang may edad 6-23 months. Mahalaga rin ito bilang pinagkukunan ng lakas at nutrisyon kapag may sakit ang bata, at nakababawas ito ng posibilidad ng pagkamatay sa mga batang kulang sa nutrisyon.

Ang paggamit ng eksklusibong pagpapasuso sa loob ng unang anim na buwan ng buhay, at ang pagpapatuloy nito hanggang sa dalawang taon o higit pa, kasama ang karagdagang pagkain, ay karaniwang karaniwang pinoprotektahan ang mga sanggol mula sa impeksyon, kabilang ang respiratory (impeksyon sa baga), allergic rhinitis, hika, malnutrisyon (di pagkakakain), inflammatory bowel disease, type 1 diabetes, mataas na pagtanggap at paglaki, lalong na katatagan, systemic na presyon ng dugo, childhood leukemia, at infant mortality (pagkamatay ng sanggol).

Layunin ng World Health Organization na maitaas sa 50% ang mga inang eksklusibong nagpapasuso sa loob ng unang anim na buwan ng buhay. Ito ay alinsunod sa "𝗖𝗼𝗺𝗽𝗿𝗲𝗵𝗲𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗹𝗮𝗻 𝗼𝗻 𝗠𝗮𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝗹, 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁, 𝗮𝗻𝗱 𝗬𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻" na inaprubahan ng Miyembro Estado noong 2012. Ayon sa WHO, ang pagpapasuso ang pinakapangunahing paraan para sa pag-aalaga at pagpapakain sa mga bagong silang at maliit na bata.

Kaya naman, ngayong 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼, idinaraos ang "𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗕𝗿𝗲𝗮𝘀𝘁𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵” sa suporta ng WHO, UNICEF, mga kagawaranng pangkalusugan at mga katuwang mula sa civil society sa buong mundo. Sa pamamaigitan nito, itinataas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng breastmilk sa kalusugan. Higit pa rito, isinusulong ang pantay-pantay na oportunidad at suporta sa bawat nanay sa pamamagitan ng skilled breastfeeding counselling, mahigpit na pagpapatupad ng International Code of Marketing of Breast-milk Substitutes, at paglikha ng mga kapaligirang sumusuporta at nagpapalakas ng loob ng kababaihan—sa tahanan, sa mga pasilidad pangkalusugan, at sa lugar ng trabaho.

𝗠𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻:

[1] Basrowi, R.W., Pelangi, B., Pratiwi, D., Cendika, R. 2025. Breastfeeding as Science Wisdom: A Foundation for Preventing Life Cycle Malnutrition. Bali Medical Journal14(1) (Supplementary 2025): 498-505 DOI: 10.15562/bmj.v14i1.5612
[2] National Breastfeeding Month. (n.d.). U.S. Breastfeeding Committee. https://www.usbreastfeeding.org/national-breastfeeding-month.html
[3] World Breastfeeding Week 2025 (WBW) https://www.who.int/campaigns/world-breastfeeding-week/2025
[4] World Health Organization. (2023). Infant and young child feeding. https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/infant-and-young-child-feeding
[5] UNICEF Philippines. (2022). Breastfeeding your baby in the first 1,000 days. https://www.unicef.org/philippines/stories/breastfeeding-your-baby-first-1000-days

BUCM TeleMed Access: Bridging Distance, Delivering Health


National Breastfeeding Month

𝐅𝐑𝐄𝐐𝐔𝐄𝐍𝐓𝐋𝐘 𝐀𝐒𝐊𝐄𝐃 𝐐𝐔𝐄𝐒𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒:𝙈𝙖𝙮 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙩𝙖𝙣𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤? 𝙉𝙖𝙣𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙖𝙜𝙤𝙩!Alamin ang lahat n...
01/08/2025

𝐅𝐑𝐄𝐐𝐔𝐄𝐍𝐓𝐋𝐘 𝐀𝐒𝐊𝐄𝐃 𝐐𝐔𝐄𝐒𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒:

𝙈𝙖𝙮 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙩𝙖𝙣𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤? 𝙉𝙖𝙣𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙖𝙜𝙤𝙩!

Alamin ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa 𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀—mula sa kung paano mag-avail ng libreng konsultasyon hanggang sa mga hakbang sa paggamit ng aming online na serbisyo.

𝗔𝗻𝗼 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀?

Ang BUCM TeleMed Access Program ay isang inisyatibo na nagbibigay ng serbisyong telemedicine sa mga komunidad ng Bicol, partikular na sa mga lugar na may limitadong access sa lokal na healthcare facilities. Gamit ang teknolohiya, nagbibigay kami ng konsultasyon, follow-up, at iba pang pangkalusugang serbisyo na kayang tugunan ang inyong mga pangangailangan sa kabila ng mga heograpikal na hadlang.

𝗠𝗮𝘆 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗱 𝗯𝗮 𝗶𝘁𝗼?

Ang BUCM TeleMed Access ay isang LIBRENG SERBISYO na layuning tulungan ang mga komunidad sa Bicol Region, lalo na ang mga nasa liblib at underserved na lugar, upang makakuha ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan. Walang bayad ang konsultasyon sa telemedicine dahil bahagi ito ng aming misyon na gawing abot-kamay ang healthcare para sa lahat.

𝐀𝐧𝐨 𝐩𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞𝐧𝐠 𝐢-𝐚𝐯𝐚𝐢𝐥?

Maaari kayong makakuha ng mga serbisyong tulad ng VIRTUAL CONSULTATION, RESETA para sa mga karaniwang kondisyon (tulad ng exposure sa baha), FOLLOW UP CHECK-UPS, at MEDICAL ADVICE para sa mga kasalukuyang karamdaman. Ang aming mga doktor ay handang magbigay ng gabay para matugunan ang inyong mga pangangailangang medikal.

𝗠𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁. 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗽𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗴𝗼𝘁 𝘂𝗹𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁 𝗰𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿𝗺?

Oo, kung may bagong sakit o sintomas, hinihikayat namin kayong sagutan muli ang aming direct consultation form upang makuha namin ang mga kinakailangang impormasyon at matulungan kayo nang mas mabisa. Ang form ay dinisenyo para sa bawat konsultasyon upang masigurong napapanahon at wasto ang impormasyon.

𝐋𝐢𝐦𝐢𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨 𝐛𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐞𝐦𝐩𝐥𝐞𝐲𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲?

Hindi siya limitado sa mga mag-aaral at empleyado ng Bicol University at bukas ito sa kahit na sinong indibidwal sa loob man o labas ng unibersidad.

𝐓𝐮𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐞𝐥𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐭𝐮𝐦𝐮𝐭𝐮𝐠𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐚𝐠𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐆𝐨𝐨𝐠𝐥𝐞 𝐅𝐨𝐫𝐦𝐬?

Ang aming page ay tumutugon sa mga sumagot sa Google Forms tuwing 9:00 ng umaga at 4:00 ng hapon simula Lunes hanggang Biyernes lamang. Kung kayo man ay hindi nakatanggap ng tugon matapos mag sumite ng form, maaaring mag-antay lamang hanggang kinabukasan.

𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀: 𝗕𝗿𝗶𝗱𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗗𝗲𝗹𝗶𝘃𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵

𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀: 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗮𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗙𝗼𝗿𝗲𝗳𝗿𝗼𝗻𝘁We’re here to make healthcare accessible and convenient for everyone, where...
30/07/2025

𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀: 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗮𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗙𝗼𝗿𝗲𝗳𝗿𝗼𝗻𝘁

We’re here to make healthcare accessible and convenient for everyone, wherever you are! With BUCM TeleMed Access, all of our services are 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗹𝘆 𝗙𝗥𝗘𝗘— bringing quality medical care to your fingertips.

𝐎𝐮𝐫 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐈𝐧𝐜𝐥𝐮𝐝𝐞:
- 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 for your primary health needs

Whether you need routine advice, a follow-up, or specialized care, we’re here to support you every step of the way. Connect with our dedicated team of professionals who are committed to ensuring you receive the best possible care.

𝐇𝐎𝐖 𝐓𝐎 𝐀𝐕𝐀𝐈𝐋 𝐎𝐔𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒/ 𝙋𝘼𝘼𝙉𝙊 𝙈𝘼𝙋𝘼𝙆𝙄𝙆𝙄𝙉𝘼𝘽𝘼𝙉𝙂𝘼𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂 𝙎𝙀𝙍𝘽𝙄𝙎𝙔𝙊

𝐒𝐓𝐄𝐏 𝟏
𝐆𝐨 𝐭𝐨 𝐨𝐮𝐫 𝐅𝐚𝐜𝐞𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐩𝐚𝐠𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐞𝐬𝐬𝐚𝐠𝐞 𝐛𝐮𝐭𝐭𝐨𝐧. 𝘗𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘗𝘢𝘨𝘦 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘥𝘶𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘦𝘴𝘴𝘢𝘨𝘦 𝘣𝘶𝘵𝘵𝘰𝘯.

𝐒𝐓𝐄𝐏 𝟐
𝐂𝐡𝐨𝐨𝐬𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐦𝐩𝐭 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡 𝐰𝐨𝐮𝐥𝐝 𝐜𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐭𝐨 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐧𝐞𝐞𝐝𝐬.
𝘗𝘪𝘭𝘪𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘮𝘱𝘵 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨𝘬𝘰𝘱 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯.

𝐒𝐓𝐄𝐏 𝟑
𝐀 𝐥𝐢𝐧𝐤 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐬𝐞𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐲𝐨𝐮. 𝐂𝐥𝐢𝐜𝐤 𝐭𝐡𝐞 𝐥𝐢𝐧𝐤 𝐚𝐧𝐝 𝐟𝐢𝐥𝐥 𝐢𝐭 𝐮𝐩 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐢𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧. 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰. 𝘐-𝘤𝘭𝘪𝘤𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘬 𝘢𝘵 𝘱𝘶𝘯𝘢𝘯 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘮𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯.

𝐒𝐓𝐄𝐏 𝟒
𝐀𝐟𝐭𝐞𝐫 𝐬𝐮𝐛𝐦𝐢𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐨𝐫𝐦, 𝐰𝐚𝐢𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐨𝐮𝐫 𝐦𝐞𝐬𝐬𝐚𝐠𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐚 𝐫𝐞𝐩𝐫𝐞𝐬𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐜𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐨 𝐚𝐬𝐤 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐢𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐢𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬. 𝘔𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘪𝘴𝘶𝘮𝘪𝘵𝘦 𝘢𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳𝘮, 𝘮𝘢𝘨𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘯𝘴𝘢𝘩𝘦 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘺 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘶𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯.

𝐒𝐓𝐄𝐏 𝟓
𝐓𝐡𝐞 𝐢𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐫𝐞𝐠𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐢𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐬𝐞𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐓𝐞𝐥𝐞𝐃𝐨𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐝𝐢𝐚𝐠𝐧𝐨𝐬𝐢𝐬.
𝘈𝘯𝘨 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘮𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘨𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘳𝘪𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘛𝘦𝘭𝘦𝘋𝘰𝘤𝘵𝘰𝘳 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘥𝘪𝘢𝘨𝘯𝘰𝘴𝘪𝘴.

𝐒𝐓𝐄𝐏 𝟔
𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐰𝐚𝐢𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐞𝐥𝐞𝐃𝐨𝐜𝐭𝐨𝐫𝐬 𝐚𝐝𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐟𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰-𝐮𝐩 𝐬𝐜𝐡𝐞𝐝𝐮𝐥𝐞. 𝘔𝘢𝘨𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘧𝘰𝘭𝘭𝘰𝘸-𝘶𝘱 𝘯𝘢 𝘪𝘴𝘬𝘦𝘥𝘺𝘶𝘭 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘛𝘦𝘭𝘦𝘋𝘰𝘤𝘵𝘰𝘳.

𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀: 𝗕𝗿𝗶𝗱𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗗𝗲𝗹𝗶𝘃𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓! Magandang araw! Kami po ay muling nagbabalik upang maghatid sainyo ng serbisyo. Ang BUCM Telemed Access ay...
29/07/2025

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓!

Magandang araw! Kami po ay muling nagbabalik upang maghatid sainyo ng serbisyo. Ang BUCM Telemed Access ay bukas mula 𝟵:𝟬𝟬 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟰:𝟬𝟬 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧 tuwing 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬.

𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 — 𝘽𝙧𝙞𝙙𝙜𝙞𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙨𝙩𝙖𝙣𝙘𝙚, 𝘿𝙚𝙡𝙞𝙫𝙚𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝

𝗛𝗘𝗣𝗔𝗧𝗜𝗧𝗜𝗦: 𝗧𝗮𝗵𝗶𝗺𝗶𝗸 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗶𝗯Ayon sa World Health Organization, ang viral hepatitis ay nakaaapekto sa mahigit 300...
28/07/2025

𝗛𝗘𝗣𝗔𝗧𝗜𝗧𝗜𝗦: 𝗧𝗮𝗵𝗶𝗺𝗶𝗸 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗶𝗯

Ayon sa World Health Organization, ang viral hepatitis ay nakaaapekto sa mahigit 300 milyon tao sa mundo at ito ay nagdudulot ng mahigit isang milyong pagkamatay bawat taon. Sa Pilipinas, mahigit kumulang 5 milyong tao ang namumuhay na may hepatitis.

Ang viral hepatitis ay isang uri ng impeksyong sanhi ng mga hepatitis virus (A,B,C,D at E) na nagdudulot ng pamamaga at pagkasira ng atay. Karaniwang naipapasa ang hepatitis A at E sa pag-inom o pagkain ng kontamindong tubig at pagkain, samantalang ang hepatitis B, C at D naman ay naipapasa sa pagpasok ng kontaminadong likido sa katawan.

𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡:

Noong 1965, sa pananaliksik ni 𝗗𝗿. 𝗕𝗮𝗿𝘂𝗰𝗵 𝗕𝗹𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿𝗴, nadiskubre ang Hepatitis B virus (HBV). Ang kanyang mahalagang tuklas ay naging daan upang makabuo ng mga diagnostic test at bakuna laban sa HBV. Dahil dito, siya ay ginawaran ng Nobel Prize sa Pisyolohiya at Medisina noong 1967 para sa “𝙙𝙞𝙨𝙘𝙤𝙫𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 𝙘𝙤𝙣𝙘𝙚𝙧𝙣𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙚𝙬 𝙢𝙚𝙘𝙝𝙖𝙣𝙞𝙨𝙢𝙨 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙤𝙧𝙞𝙜𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝙙𝙞𝙨𝙨𝙚𝙢𝙞𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙤𝙛 𝙞𝙣𝙛𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙪𝙨 𝙙𝙞𝙨𝙚𝙖𝙨𝙚𝙨”.

Bilang pagkilala sa ambag ni Dr. Blumberg sa Agham at Medisina, ginugunita ang 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗛𝗲𝗽𝗮𝘁𝗶𝘁𝗶𝘀 𝗗𝗮𝘆 tuwing 𝗶𝗸𝗮-𝟮𝟴 𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼, kasabay ng kanyang kaarawan. Layunin nitong itaas ang kamalayan tungkol sa viral hepatitis at nanawagan sa agarang pagkilos upang tuluyang alisin ang mga hadlang sa pananalapi, panlipunan, at sistemang pangkalusugan upang labanan ang stigma at ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng hepatitis sa buong mundo.

𝗠𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻:

[1] World Health Organization. (2025). World Hepatitis Day 2025: Let’s break it down. https://www.who.int/campaigns/world-hepatitis-day/2025 indianexpress.com+12who.int+12who.int+12
[2] Block, T. M., Alter, H. J., London, W. T., & Bray, M. (2016). A historical perspective on the discovery and elucidation of the hepatitis B virus. Antiviral Research, 131, 109–123. https://doi.org/10.1016/j.antiviral.2016.04.012
[3] Centers for Disease Control and Prevention. (n.d.). World Hepatitis Day. U.S. Department of Health and Human Services.https://www.cdc.gov/hepatitis-awareness/about/world-hepatitis-day.html
[4] World Health Organization. (2025). Eric’s hepatitis B journey − from diagnosis to treatment. WHO Philippines. https://www.who.int/japan/news/feature‑stories/detail/eric-s-hepatitis-b-journey---from-diagnosis-to-treatment
[5] Fox Chase Cancer Center. (n.d.). Baruch S. Blumberg, MD, PhD: A life. Fox Chase Cancer Center. https://www.foxchase.org/about-us/history/discoveries-fox-chase-research/baruch‑blumberg-md-phd-research/biography
[6] World Health Organization. (2025). Eric’s hepatitis B journey − from diagnosis to treatment. WHO Philippines. https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/item/eric-s-hepatitis-b-journey---from-diagnosis-to-treatment
[7] National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. (2024). What is viral hepatitis? Retrieved July 28, 2025, from https://www.niddk.nih.gov/health-information/liver-disease/viral-hepatitis

MULING MAGBABALIK SERBISYO! BUCM Telemed Access is now back with its newly refined page, along with its consist...
28/07/2025

MULING MAGBABALIK SERBISYO!

BUCM Telemed Access is now back with its newly refined page, along with its consistent and excellent service, providing integrity and quality healthcare services to the people. 💚🤍


Over the past months, BUCM TeleMed Access has been "Bridging Distance, Delivering Health" — right at your fingertips.We ...
07/04/2025

Over the past months, BUCM TeleMed Access has been "Bridging Distance, Delivering Health" — right at your fingertips.

We are truly grateful for the trust you've placed in us to care for your health needs.

We’re excited to share that we’re currently working on upgrading our system to serve you and the community even better.

As part of this process, we will be temporarily pausing operations until further notice. We sincerely thank you for your patience and understanding.

Stay tuned and follow us for more updates!

Kami ay muling nagbubukas upang magbigay ng mabilis at maaasahang serbisyong medikal para sa inyong lahat.Bukas ang amin...
02/01/2025

Kami ay muling nagbubukas upang magbigay ng mabilis at maaasahang serbisyong medikal para sa inyong lahat.

Bukas ang aming mga linya Lunes hanggang Biyernes sa oras na 9:00 am - 4:00 pm. Mag message lamang sa aming official page upang matugunan namin ang inyong mga nararamdaman.

Maraming Salamat!

𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧!Ang mga serbisyong hatid ng 𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 ay pansamantalang ititigil  ngayong  darating na 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮...
28/12/2024

𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧!

Ang mga serbisyong hatid ng 𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗠𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 ay pansamantalang ititigil ngayong darating na 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗝𝗮𝗻𝘂𝗮𝗿𝘆 𝟭 upang paghandaan ang mas pinalawak at mas mabilis na serbisyong medikal sa taong 2025.

Magbabalik ang lahat ng aming serbisyo sa pagbubukas ng panibagong taon, 𝗝𝗮𝗻𝘂𝗮𝗿𝘆 𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟱. Manatiling nakatutok sa aming page para sa mga karagdagang impormasyon. 𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗨𝗖𝗠 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗺𝗲𝗱 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀.

Address

Bicol University College Of Medicine
Legazpi
4500

Opening Hours

Monday 9am - 4pm
Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BUCM TeleMed Access posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram