13/02/2025
PAUNAWA:
Nais po naming ipabatid sa lahat ng pasyente at bisita na magsasagawa ang aming ospital ng rehabilitasyon upang mapahusay ang aming mga pasilidad at serbisyo. Ang pagsasaayos ay magsisimula sa darating na Lunes, Pebrero 17, 2025.
Dahil dito, pansamantalang magkakaroon ng pagbabago sa ayos ng ating pasilidad. Gayunpaman, asahan ninyo na magpapatuloy pa rin ang aming serbisyong medikal.
Kami po ay umaasa sa inyong pang-unawa at pakikiisa para sa mas maayos at ligtas na karanasan.
Maraming salamat po.